Chapter 1

19 0 18
                                        

Too many questions

Kirsten Linavuenca

"Kiki, tumayo ka na d‘yan. Oras na," Binuksan ko ang isa kong mata para tignan ang namamalo sa pisngi ko,

Nang makita ko, agad akong dumapa.


"Ano ba, antok pa ako. May lakad ba tayo ngayon?" Malamya kong tanong kay Kuya Lenard, antok pa ang tao oh!


"May pasok ka," Sagot niya, agad akong napamulat at napatayo.

Teka, may pasok ako?!


"Mukhang nakalimutan mo ah, excited ka pa naman kahapon dahil sabi mo makikita mo na naman si Je—"


"Shut up, Kuya! Hindi ko na kilala 'yon!" Tumayo na ako sa kama pero bago ako tumakbo sa banyo nilingon ko ulit si Kuya.

"Pero totoo? May pasok na nga? At excited rin ako kahapon? Bakit hindi ko alam?!" Sunod-sunod kong tanong, tawa lang sinagot niya. Tino talaga ni'to kausap kahit kailan.



"Mukhang may sapi ka nanaman, maligo ka na baka ma-late ka sa first day. Hassle yun at baka ma-turn off na naman sayo si Jeji." Natatawa niyang sabi sakin atsaka siya tumayo't lumayas sa kwarto ko.



Oo, lagi kasing natuturn-off si Jeji sakin, well hindi naman 'yun na-turn on sakin ni minsan. Well, I don't mind na! Pumunta na ako sa banyo at ginawala ang ritwal.


Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako para kumain. Sakto kumakain pa lang rin si Kuya na mukhang hinintay talaga ako.



Umupo na ako at sinimulan ng ngumuya.

"May tanong pala ako," Biglang salita ni Kuya dahilan para mapa-tingin ako sakanya.

"Anwo?" Sagot ko habang ngumunguya. Ayos na 'yun, atleast sumagot diba hehe.

"Kumusta ka na pala kay Jeji? Mukhang kanina kasi parang ayaw mong pag-usapan natin siya at may bad news at good news nga pala ako. Anong gusto mong unahin?"



Si Kuya ang daldal talaga, parang babae talaga minsan. No wonder kung bakit magkapatid kami, madaldal daw kami pareho. Mas maganda naman 'yun kesa sa taong 'di kibuin 'diba!


"Bad news muna, para sa huling balita good mood ako," Sagot ko at muling kumagat sa hotdog.



"Balita ko sa Japan na mag-aaral ngayon si Jeji," Agad akong napatingin sakanya. No! Hindi dapat ako mag-react para mag-mukhang totoo talaga yung sinabi kong hindi ko na siya kilala! But yeah, I'm trying my best!

"Oh?" Pilit kong reaksyon. Bakit naman yun lilipat? Nakita ko siya 'nung enrollment ah!


Just the way you areTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon