WHAT?
Kirsten Linavuenca's POV
"Uy kiki, nakikinig ka ba?" Bumalik ako sa diwa ko nang tapikin niya ako sa braso.
"A-ahh, ano nga ulit 'yun?" Tanong ko. Bigla naman syang ngumiti. Woahhh, may nangyayari talagang kakaiba! Hindi 'to usually ngumingiti!
"Wala, sabi ko mag-ready ka na kasi darating na adviser natin..." Bigla naman siyang dumikit ng todo sakin dahilan para magulat talaga ako, "Balita ko kasi terror talaga siya." Mahina niyang sabi.
Tumahimik naman bigla ang maiingay kong mga kaklase, dumating na pala ang adviser namin na sinasabing terror raw.
"Ready yourself," Tinignan ko siya, mukhang excite na excite pa siya.
Nagulat kaming lahat nang ibagsak ng adviser namin ang kamay niya sa table, note : she's a woman! Her eyes are the scariest eyes I've ever seen!
"So, kayo pala ang iha-handle ko this year?" Matigas na sabi niya, wtf. I can't even breathe. So it's true, presence pa lang niya masisindak ka na. Gah! I thought hindi ko siya magiging teacher hanggang matapos ako ng high school.
Siniko naman ako ng katabi kong weird na parang napasukan ng alien ang bahay nila kaya siya naging ganyan ngayon.
"Tama ako 'diba?" He whispered. I nodded without looking at him. Mahirap na baka mahuli ako ni Madam at ibato sakin ang librong dala niya.
"Since you're the second bunch of students na iha-handle ko. I'll make some efforts too, just make sure na hindi kayo magiging worst section." Kahit na nakakatakot talaga siya. Nagustuhan ko naman ang goal niya para sa amin, siguro ayos na rin 'to para ma-enhance ko talaga ang sarili ko.
Mukhang kailangan ko rin kasi ng ganitong klaseng batas para na rin sakin, aaminin kong mahina talaga kokote ko eh.
"Syempre, kung may rules tayo. Ofcourse, there are also punishments. Easy lang naman, kung may maging pasaway at lumampas sa 3 warnings. Lahat kayo suspended ng one week. In short, pak one pak all." Anunsyo niya. Lahat kami napa-singhap. Aba si Madam, inabuso oh. Grabe naman 'yun!
"She's really great, huh." Dinig kong bulong ng lalaking nasa harapan namin pero nasa left side ko kaya medyo nakikita ko mukha niya. Naka-salamin siya na makapal at ang hairstyle niya pang-korean, may bangs. Buti hindi 'to nababawal sa buhok niya?
Ilang oras rin ang pagpapakilala ng guro namin at sa sarili namin, nakakapagod palang hindi magsalita ano? Nakapag-salita lang ako 'nung magpapakilala kami. Hays, boring.
“After class," Salita ng nasa tabi ko, napa-kunot noo ako. Tinignan ko lang siya. Anong meron mamaya?
“Are you free? May sasabihin lang kasi ako," Bigla siyang napa-tingin sa'kin. Nagulat naman ako, tinignan ko pa nasa paligid ko at tinuro ang sarili para makasigurado na ako nga tinatanungan.

BINABASA MO ANG
Just the way you are
FanfictionAko si Kirsten Linavuenca, at crush na crush ko si Jeji Takehasi!