Ikaunang Tula

4 0 0
                                    

Sa panahon ako'y malungkot.
Papel at lapis ang kasanga ko.
Para mapawi ang lungkot at takot,
Na nararamdaman ko.

Hindi ko alam anong magiging pamagat ng tula na aking ginagawa. Mas mabuti pa siguro kumain sa aming cafeteria para aking utak gumana. Habang pa punta sa cafeteria upang kumain nakita ko ang taong epal sa lahat.

Siya si Phil. Phil Andrei Santos. Ang tipong gustong gusto ng lahat. Tingnan mo, napakisig niya, ang ganda ng porma, mga matang kumislap sabay ng mga labing parang hinihele ka papuntang ulap. Pero sa kabila ng napakakisig niyang taglay, nakakainis naman yung ugali niya. Dinadapuan na siya ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Psh. Mga bulag.

Pinabayaan ko na lang at sa wakas lumabas na siya sa cafeteria. Mabuti na lang, kasi kung hindi may gagawin naman yun na kabulastugan dito sa cafeteria na madadamay ang inner peace mo. Kumuha ako ng tray, para paglagyan ng mga kakainin ko. Umorder ako ng chopseuy, kanin, tubig at isang leche flan para sa panghimagas. Nilapag ko na sa tray at inabot ang bayad kay Aling Nena.

"Salamat po Aling Nena!"

"Walang anuman Lexia!" At nginitan ko siya habang hawak ko ang tray at papunta sa mesang bakante. Mabuti na lang at hindi ganon karami ang mga tao ngayon. Pumwesto ako sa gilid na mesang pangdalawahan. At biglang tumunog aking telepono. Kinapkap ko ang bulsa ko pero wala kaya hinanap ko sa aking bag at nakitang naroon, sinagot ko agad agad ang tumatawag. Si Lexicon, ang matalik kong kaibigan.

"Nasan ka?" Tanong niya sa kanyang bagong gising na boses.

"Nasa cafeteria, sa ating paboritong mesa. Ikaw dyan bumangon ka! Wala akong kasama dito oh." Padabog kong asal sa kanya.

"Oo na po binibini. Anong kinakain mo?" Tanong niya. Narinig niya siguro ang pagnguya ko nang pagkain.

"Edi yung paborito ko ano pa ba? Bilisan mo nga na dyan. Malalate ka na naman sa first subject natin." Aniya ko.

"Oo na nga. I'll gonna hang up see you there. Stay put in our favorite spot, okay?"

"Yes po Mr. conyo, psh."

"Okay, don't forg-" At pinatay ko na ang telepono. Dami pang satsat yung ang ikalilate niya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If I stay awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon