Part One - Magical Jeepney

14 2 0
                                    

Braid, Braces, Makapal na Salamin.

Pamilyar naman di ba? I'm a Nerd.

Don't hurt the Nerd's Heart.

- Majoy

xxxx - xxxx - xxxx

Mula sa malayo tanaw ko ang kagwapuhan ng aking pinagpapantasyahang prinsipe na si Eldrich maylabs. Haha

Uwian na nila. Araw araw ganito ang scenario. Tuwing uwian nila at saktong mas maaga ang uwi namin lagi ko syang tinatanaw mula sa malayo. Sa ganitong paraan sumasaya ako. Hindi naman ako stalker pero isa lang ako tagahanga niya.

Bukod sa gwapo sya, matalino,

math wizard pa. Kaya nga kahit konting pag-asa na makilala ko sya wala. As in wala talaga.

*Tock Plock* Ayy umuulan na pala. Makaalis na nga. Atleast nasulyapan ko sya ngayong araw.

Binuksan ko ang aking backpack at kinuha ang payong. Nagtungo na ako sa paradahan ng jeep.

Bukod sa umuulan nag-aantay pa ng pasahero si manong.

Kaya napilitan akong maghintay ng matagal. Ilang minuto pa pag-angat ng ulo ko.

*Dugdugdug*

Tumabi sya sa akin. Wala pang gaanong pasahero. Pero ba't sakin pa sya tumabi? Thank you Lord Grabe ang saya. Sa iilang minuto na magkatabi kami ni hindi ako makagalaw ng maayos

paano ba naman nakasandal sya sa balikat ko. Mahimbing ang tulog nya. Ilang sandali pa pumara na ako. Iniayos ko na ang ulo niya kaya agad na man syang napagising. Kitang kita sa mukha niya ang kahihiyan. Dahil nga sa maputi sya at namumula pa.

"Ayy. Sorry miss." sambit pa nya.

Nag-iwan lang ako ng isang matamis na ngiti at bumaba na ako ng jeep.

Nerd's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon