"Game na ba? Ano na? Sure na ba? Oo na Wala nang bawian mamatay man.Period No Erase." Kanta nang kanta si Steph bespren ko. Paulit-ulit sya kanina pa. Idol daw nya si James Reid eh.
May papalo-palo at patapik-tapik pa sya sakin -___- Tinatanong ko naman sya kung bakit. Sabi nya kinikilig lang daw sya.
*Ringgggg!* sa hudyat ng bell nagsipasok na kami sa mga room namin. Ibinaba ko na ang backpack ko at naglabas ng red ballpen. Kakatapos lang ng long quiz namin kahapon.
Habang nagsusulat ng mga answers si ma'am may biglang kumatok. Pinagbuksan naman nya ito agad. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-check nang nagsalita si ma'am.
"Class all eyes here. This is Mr. Jerwin Peñaflor. Take a sit Mister"
sabi ni ma'am at nagpatuloy na sa pagsusulat.
"Uy..." Sino yun? O_____O
"Uy.. Maria, Elena, Juana, Pedrita, Uyy miss!" tawag nya. Di naman ako si Maria, Elena, Juana, Pedrita ahh! -___- Napakamakaluma nya naman.
Lumingon ako sakanya at sinamaan sya ng tingin.
"Ako ba kinakausap mo?" tanong ko rito. Sya naman kung makangiti halos mapunit yung labi. Grabe lang. Ngiting aso. Hahaha.
"Obvious? Tss." yung masayahin nyang mukha nagtransform nang nakabusangot at nakakunot yung mukha. Aba! Isa syang pikachu!
Nag-eevolve. Hahaha
"Hindi. Hindi naman kase ako yung tinatawag mong Elena etsetera e!" pagtataray ko sakanya. Kainis e.
"Sorry naman daw. May nakaupo dito? Tabi tayo ha." sabi nya at umupo na. Di pa naman ako um-oo ah! Feeling Close!
"I think Mr. Peñaflor is comfortable sitting near you Ms. Loyzaga." nakangiting sabi ni Ma'am. At yung mga kaklase ko nagtitilian. Anyare?
*Ringggggg!*
Yes! Recess Time. Grabe makaka-iwas na'ko kay Pikachu.
Kasama ko si Steph papuntang canteen. Lakad lang kami sa Hallway nang biglang umakbay sakin na sya namang ikinabigla ko.
"Ayy Ulikba!" nataranta kong bulyaw kay pikachu, i mean kay Mr. Jerwin Peñaflor.
"Hahaha Ulikba daw. Masyado ka naman best! Akala ko ba pikachu?" tawang-tawa si steph.
Habang ako nakatungo sakanya.
"Yaan mo na. Nagtatransform e.
Haha" nag-apir kame at nagpatuloy sa paglakad.
"Oy! Teka lang sama nyo'ko!" sabi naman ni Jerwin. Binilisan lang namin ang paglakad hanggang sa makarating na kami sa canteen na tawa ng tawa. Panu ba naman etong si Steph nagchichicken dance. Hahaha
"Anong order mo?" tanong ng isang crew.
"Pikachu."
"Ha? Wala pong pikachu dito"
pagkasabi ng crew natauhan na ako.
"Ayy pasensya na po. Dalawang Spaghetti at Frappe po." nahihiya kong pahayag. Grabe ano bang pinagsasasabi ko! Nakakahiya yun.
"Ayiieeee Pikachu daw. Hahaha"
pang-iinis ni Steph na may kasama pang tusok-tusok sa tagiliran.
"Heh! Tigil nga." saka ko sya inirapan. Hirap pala umirap di gaya ni Steph sanay na yun e.
"Ayiieee wag mo muna kasi syang isipin. Tara kain muna tayo"
pag-aaya nya at umupo na kami sa pinakadulong side table ng cafeteria.
"Maria." may naririnig akong boses papalapit sa amin.
"Wag mo nga akong kalabitin dyan. Di ako si Maria ha Mario!?" natatawang sigaw ng isang babae sa lalaking nasa likuran nya. Hindi ko na lang sila pinansin. Bagkus Inubos ko nalang ang pagkain ko.
"Uy! Maria! sa wakas nahanap din kita." isang nakangiting pikachu ang lumitaw sa harapan namin.
"Tigilan mo nga ako. Hindi maria ang pangalan ko nuh!"
"Onga! Majoy Loyzaga kaya ang pangalan nya" Nak ng Tinapa -___- Ang daldal mo Steph!
Sinamaan ko siya ng tingin.
At ayun wala na akong nagawa.
Pinsabay na namin sa sa pagkain namin. No choice e.

BINABASA MO ANG
Nerd's Heart
Short Story"Expect the Unexpected" Love is full of surprises. But whenever and whatever it comes just ready your heart. ©Nerd's Heart