Simula nang araw na yun. Hindi ko na sya ulit nakasabay sa jeep.
Siguro nga swerte lang ako nun.
Halos manigas na ako sa kinatatayuan ko. Sobrang kabado ako e. Nandito kami sa PHS.
School nila Edrich. Kasama ako sa mga nagrepresent ng school namin. Inaantay nalang namin ang result.
"1st place. Edrich Gonzales
2nd place. Majoy Loyzaga.
3rd place Blablablabla."
Nakakabingi! 2nd place daw ako!
?____? Grabe. Umakyat na ako kasama ang iba pang nanalo.
Binigyan nila kaming certificate and medal pagkatapos nun ay picturan.
Lumapit sya sakin. *Dugdugdug*
"Congrats" sabi bya sabay abot bg kamay nya. Wow! Nakipagshake hands sya sakin. Yung puso ko!
Grabe lang. Parang drums.
"Congrats din." sambit ko. At bumitaw na sa kamay nya.
Tumalikod na ako sakanya.
Namumula ako e! Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha ko. Haha
Parang shake hands lang. Masyado akong mababaw.
May kumalabit sakin kaya humarap ako. "Ayy Pitungput pitong tupa!" nabigla ako kasi si Edrich pala. "Haha. Nakakatuwa ka naman. Panyo mo nahulog"
sabi nya habang inaabot ang panyo ko.Pambihirang panyo oh!
Ba't ka ba nalaglag? Di bale si Eldrich naman ang nakapulot.
Hm. Para na'kong baliw kinausap daw ba yung panyo -___-'
"Salamat." ngumiti ako sakanya.
Ilang araw na naman kaya bago ko sya ulit makita? Napabuntong hininga nalang ako at sumakay na sa jeep.

BINABASA MO ANG
Nerd's Heart
Historia Corta"Expect the Unexpected" Love is full of surprises. But whenever and whatever it comes just ready your heart. ©Nerd's Heart