Experience and Tips for UPCAT

4.5K 185 105
                                    

DISCLAIMER: Nagtake ako ng UPCAT year 2008 pa, so malaki at marami ng changes na nangyari at nadagdag sa exam. Some written here are no longer applicable but I hope some would still give you idea(s). Goodluck and God bless!!

Simulan natin sa pakikibaka ko sa buhay senior. Deh joke lang. Bandang July ata yun, nagkakagulo mga kaklase ko sa pagfillup ng form chuchu. Ah ewan. Basta ako nakisabay lang naman ako.

Dapat nga mag-UST ako, pero mahal. Shet. Di kami mayaman. Hahaha. Binuyo ako ng bestfriend ko nun eh, tara daw. Kahit exam lang. Eh sayang pambayad, di din naman ako dun mag-aaral kung sakaling makapasa.

Ang totoo kasi, wala naman akong balak mag-UP. Tangina, UP yon. Di ko kaya don. Hahaha.

Pero tatay ko na kasi nagsabi na magtry ako. Naks. Tiwala ng tatay ko talaga oh.

Hindi ko pa nga alam course ko nun eh. Pero accountancy yung number one na choice ko. Kaya yun ang nilagay ko sa form.

Campus 1: UP Diliman.

Courses: Accountancy. (Eh putek, quota course kase to. Ang taas ng required UPG!)

Interior Design. (LAYO DIBA?! HAHAHA)

Campus 2: UP Baguio

Eto na. Wala kasing accountancy sa Baguio. Wala akong gustong course. Eh ang konti ng course dito.

Dahil di naman ako umaasang papasa ako, naisip ko yung kagustuhan kong mag-med talaga. Basta may experience kasi ako na may minor surgery ako. Tapos gising ako nung inoperahan. Oha. Yun, parang naisip ko, gusto kong gawin yun. De ang pinili ko..

Course: BS Biology

Nakalimutan ko na yung isa kong pinili. Wag na nating alalahanin.

Eto na.

Hindi kasi ako nag-enroll sa review center. Ang mahal kaya. Eh tamang kuripot din nanay ko. Sayang nga eh, deh sana nakasama ko uli sa review center yung kras ko nung elementary! Sayang talaga. Deh joke lang.

Tapos sa school, nagpareview yung teachers naming for 1 week. Eh lakas trip, di rin naman naming sineryoso. Gustong gusto lang namin kasi walang pasok. Hahahaha.

Pero nakinig ako nung Math, English at Filipino na. Di ko alam anong ginawa ko nung physics, baka lumalamon ako. Tapos science, ah di ko alam. Baka tulog na ko nun.

Nung bigayan na ng schedule ng exam.

Tanda ko, second day ako ng panghapon.

Grabe buti na lang! Ang aga sobra pag yung first batch eh.

Malamig dun sa testing center kaya sinabihan kami na magdala ng jacket. Tapos matagal yung exam kaya magdala na rin daw kami ng pagkain.

Sa Tarlac lang ako nag-exam, hassle kung punta pa kong Dili.

Eh yun na.

Armed and ready.

Dalawang number 2 na monggol.

Isang eraser.

Maraming pagkain.

Isang jacket.

At shempre, dasal.

Nagpila kami nun. Ang dami namin kasi imagine, buong Tarlac City yun. Hinanap ko nga yung crush ko nung elem nun eh. Sayang pang-umaga daw siya. Tapos may mga nakita akong pogi galing sa isang all-boys school na puro playboy at bading. Yun, sightseeing din.

Left handed kasi ako. Kaya lahat ng left handed nakahiwalay. Shempre iwas kopyahan.

UP eh. Honor and Excellence. Mas mabuting di mangopya kesa mangopya para lang pumasa. Yun yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Experience and Tips for UPCATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon