(Ringtone)
"Good Morning! Naghintay ka sa text ko? Ayie." -Ackie
Ayun at ayaw pa rin niya sumuko. She made me feel like an evil. Ako ang pinakamasamang lalaki sa mundo. Pareho lang siguro dahil sinaktan ako ng isang pinakamasamang babaeng nakilala ko - minahal at pinagbuhusan ng lahat.
"Hindi ah. Wag kang masyado nag-eexpect Ms. Disaster."
Oo, yun ang tawag ko sa kanya. Pero mukhang mas okay naman itong si Ms. Disaster kaysa kay Ms. Imperfection. Umagang umaga e siya kaagad bubungad sa phone ko. Hindi ko na yata kaya kaya magdeny pa. Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ba nararamdaman ko na ito? Alam ko na hindi dahil sa awa kung bakit ko ito nararamdaman sa kanya kundi dahil talagang minamahal ko na siya.
Ang kapal din ng mukha ko diba? Matapos ko siyang pahirapan at saktan e eto ako at mukhang nahulog na sa kanya. Patuloy pa rin akong nakahiga sa bed ko and still unmoved. I put the earphones to listen to the music on the radio in my phone.
"When you love someone, do not hesitate to tell him/her. Love is a gift to be shared not a property to be kept. Do it before it's too late."
Hindi naman kaya ako pinapatamaan ng DJ sa station na pinakinggan ko? His thoughts are perfectly matched with what I am experiencing right now. Ang galing di ba? Mukhang alam ng DJ na iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
After this, bumangon na ako to prepare myself going to school. It is Friday so I can unwind later after class. Hindi ko iniisip na pumunta ng bar with Brad and Drake. I thought of another thing to do. Siguro ito ang mas worth it na gawin.
I realized what the DJ has aired over the radio.
Yes, I knew that the message was meant to be heard by my ears. I thought and I felt.
Sa school isang tipikal na araw na naman ito para sa akin. Pumasok na ako sa classroom kasama si Brad at Drake. Huminto ako nang ilang segundo sa pinto. Nahihiya kasi ako kay Ackie pero kailangan kong magpakatatag ngayon tulad niya - tulad nang pagiging matatag niya sa akin. Alam kong sobrang kapal ng mukha ko. Sobra sobra na ang ginawa ko sa babaeng ito tapos sa huli, ako pala ang susuko - susuko dahil sa pag-ibig na ngayon ay nararamdaman ko na - unti-unti, dahan-dahan at papalakas nang papalakas.
Hindi na siya kumikibo. Pero may note uli ako sa chair ko.
"Bibigyan muna kita ng space Kent. Hindi ako galit baka lang kasi magsawa ka na sa akin. I KENT live without you kaya. :) "
Nangiti ako sa nabasa ko pero nalungkot ako ng kaunti. Bibigyan daw niya ako ng space? Ayoko na sa mga pagkakataong ito. Ayoko na mawala siya. Kailangang manatili siya sa akin. I want her the way she is. I want her the first time I saw her. Hindi ako papayag na iwasan niya ako. Sabi nga nang DJ sa radio kanina "Do it before it's too late." Tama siya at hindi ako papayag na mawala ang babaeng nagtiis sa kasamaan ng ugali ko - ang babaeng patuloy akong minahal sa kabila ng lahat.
Hindi na niya ako tinitignan tulad ng dati pero masaya pa rin naman siya. Nakangiti pa rin, siguro nga space lang ang gusto niya ibigay. Pero ayoko, natatakot ako na yung space na yun will lead to absence - of time, effort, sweetness and love - absence ng Ackie na lagi kong hinahanap.
Hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya I tried to look at her kahit alam kong magkatabi nga pala kami sa upuan. Umiling ako kasabay nang nangungusap na mata para ipakita ang pagtutol ko sa note niya. Then, she whispered in my ears.
"Ok lang yun Kent. I am still here."
Hindi na ako nakatiis at nagsalita na rin ako tulad ng dapat ay ginagawa nang isang lalake.
BINABASA MO ANG
WOMAN HATER IS A LOVER
Teen FictionIn love, no one can escape of being hurt. Men and women have the chance to experience pain and grief. Kent is one of those men "who hates women" because of the misery that they can bring. Cassy made Kent really devastated when they separated but a g...