(Chapter 2, Beginning of Time)

55 1 0
                                    

From what I did, hindi ko alam kung ano ang tamang gawin this time. Tanging patak ng ulan ang gumising sa akin. Mahina lang naman pero I am wishing na lumakas para walang pasok. Nanatili ako sa aking pagkakahiga. Guess what? Si Ackie. Oo, si Ackie ang nasa isip ko. Ang weird ng feeling ko ngayon. Iniisip ko siya, as in yung mukha niya ang nasa isip ko. Hindi ko makalimutan yung mapula niyang pisngi maging ang kanyang labi na hindi ko maiwasang hindi titigan kahapon. Pero ano ginawa ko? Ayun at tinakbuhan ko lang siya.

I know na nasaktan ko si Ackie. E ano nga magagawa ko? I hate her sa ilang parte ng puso ko hindi dahil sa ayaw ko sa kanya kundi dahil babae siya. Oo, iyon ang isa sa pinakamalaking dahilan ng lahat.

Nagpatuloy unang linggo ng pasukan at patuloy pa rin Ackie.

I was walking in the school when she called my name.

"Kent!"

Lumingon ako at nagtama na naman ang aming mga mata. Syempre, lalaki ako, kinilig din naman ako pero pilit kong pinagtatakpan ang sinasabi ng puso kong duwag.

"What?"

"Hello Kent? Kumusta ka?"

"You're a girl and it's not good that your doing the first move."

"Kinukumusta lang kita."

"But I don't like you Ackie. Bababe ka and you are doing this? Wala ka ba konting hiya sa katawan mo?"

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ano ba ginawa ko? Sinabi ko lang naman nararadaman ko. I mean yung gustong sabihin ng isip ko. Kinabahan ako dahil marami na ang naglalakad at nakakakita sa amin. Hindi naman siya humihikbi. Tanging luha ang nakita ko sa kanyang mga mata. Feeling ko noon e nasa shooting ako ng isang pelikula. Tahimik ang buong paligid at naramdaman ko ang bigat na kanyang naramdaman.

"Manhid ka ba talaga?"

Sabay bato ng dala niyang book sa dibdib ko.

"Ha, ako? No, I just don't like you Ackie. At hindi kita magugustuhan kahit kelan."

Silence was the main thing during that moment. Hindi ko na rin yata alam ang pinagsasabi ko. Habang kaharap ko si Ackie ay ibang ala-ala ang nanumbalik sa akin. I saw the face of Ms. Imperfection. Galit bigla ang naramdaman ko so I wasn't really in my mind at that time. Hindi na nga ako makahinga e. At alam ko na mas lalo naman ang babaeng kaharap ko na halos madurog na yata sa mga sinabi ko.

"Talaga?"

Habang patuloy ang pagpatak ng kanyang luha. Nakatitig lang siya sa akin ng mga oras na iyon. Walang paglagyan ang takot ko, ang hiya at galit sa kanya at sa sarili ko.

"Oo, kaya please stop chasing me like a dog."

Tumakbo siya at tinalikuran ako. Hindi ko alam ang pakiramdam pero namanhid ang buong katawan ko. Nanlamig ako at nanghina sa tagpong iyon. Napaupo na lamang ako sa isang upuan malapit sa bungad ng canteen kung saan kami gumawa ng isang eksena. That was unforgettable. Hindi ko na yata kilala sarili ko or should I say hindi ko dapat dalhin ang sarili ko sa mga bagay na nakalipas na. Do I really need to move on? I can't. It is difficult for me to do that. Nasaktan ako ng sobra at alam ko alam mo ang nararamdaman ko.

Ilang sandali lang. Nakita kong pabalik si Ackie patungo sa akin. Masungit ang pagkakatingin niya sa akin. May mga babae pa namang sanay ng martial arts. Kinabahan ako. Ano na naman kaya ang balak ng babaeng ito sa buhay niya? Talaga yatang gustong-gusto niya ang nasasaktan ng todo at harapan pa.

"Kent!"

"Ackie, Sor.."

"Sorry?"

Sabay hagis ng panyo na ginamit niya sa pagluha.

WOMAN HATER IS A LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon