Chapter 7: Murdered Dorm Mate

13 0 0
                                    

Zainna's POV

Mula ng makapasa kami ni Leb sa Academy, hindi ko mapigilang ma-excite dahil gusto ko nang makita ang kabuoan ng school! 

"WAAAHH! Kuya Leb!! Excited na ako! Samahan mo ako maglibot ah!" Niyakap ko pa ang kanang braso niya kahit nag-iimpake siya.

"Ano ba yan Zai! Ang bigat bigat mo eh! 48 kilos ka diba!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh, ang bigat ko. 

Bukas na ang alis namin at nandito ako sa bahay nila kasi boring sa bahay. Makikita ko naman ang pagmumukha ng kuya ko doon kaya okay lang kahit di kami magkasama ngayon. Ayoko muna kausapin si Aqua dahil gusto ko siya surpresahin kung saan ako mag-aaral. Madudulas lang ako kung patuloy ko siyang kakausapin.

"Kinakabahan ako pero excited din naman ako makapag-aral doon pero kinakabahan talaga ako!" Ako rin naman ganoon nararamdaman. 

Habang tumatagal mas napapalapit talaga ako kay Caleb kaya nga mas kasama ko na siya kasya sa tunay kong kapatid na si Kuya Red.

Gumabi na at balak ko sanang maagang matulog para may energy ako bukas kaso nag update ang paborito kong author at hindi pwedeng hindi 'to mabasa! Yung feeling na matagal mong hinintay 'to tapos di mo babasahin? No way! Not in my last  dream!

Kaya binasa ko muna at nakakainis talaga dahil bitin na naman! Nasa gitna na ako ng pagmumukmok ko nang biglang pumasok si Kuya Leb sa kwarto ko at pinagsabihan ako. "Oh Zainna, bakit gising ka pa? Babalik pa tayo sa inyo bukas kaya matulog ka na. "

Kung nagtataka kayo kung nasaan ako natulog ngayon, nandito ako sa bahay nila at oo, kwarto KO. Mayroon akong sariling kwarto dito sa bahay nila, kasi naman di ata lilipas ang dalawang araw na hindi ako mambubulabog dito. Last week, nakaisip ako ng isang plano. Isang napakasamang plano. Napapangisi tuloy ako tuwing naaalala ko yun.

Pumasok ako sa kwarto ni Kaleb at dahil tulog pa siya, hindi niya namalayan yun. Nagdrawing ako sa mukha niya gamit ang marker, at dahil kasing bait ako ng anghel, whiteboard marker lang ang ginamit ko. Pagkatapos pinicturan ko at ginawa kong 'my day' sa messenger.

Hindi pa syempre ako tapos. Nilagyan ko ng pinaka ayaw niyang amoy ng perfume ang kamay niya, bago pa matuyo kiniliti ko yung ilong niya ng feather. Believe me or not, nakakakiliti talaga yun. 

Ending, kinamot niya yung ilong niya at naamoy yung pabango kaya nagising agad siya at sinuot niya yung tsinelas niya dahil pupunta siyang banyo pero too bad, dinikit ko yun sa sahig kaya sumubsob siya.

Five days ago, nagpatugtog ako ng happy birthday song sa kwarto niya nang pagkalakas-lakas with matching ballons at confetti pa. The next day, nagsabit ako sa kisame ng nakakatakot na mukha, si Momo. Nakatapat sa mukha niya kaya nung pagkagising niya sinuntok niya ng sobrang lakas, pero sarili niya lang nasuntok niya. 

Matatawag na ba akong masama niyan? Balak ko na sana tumigil kung hindi niya sana ginawa yung nakakainis niyang so called revenge sa akin!

Nasa bahay namin kami ngayon ni Caleb at wala si Mom at Dad dahil nasa office pa sila kaya kami-kami lang din ang nandito.

Zai, bili mo nga ako ng cartolina sa National Bookstore, limang black at limang pink. Tapos bilin mo na rin yung gusto mong bilhin na libro dun, yung lumabas nung Manila International Bookfair, libre ko na.

At dahil tao lang rin ako, nadadala ng damdamin. Binili ko yung pinapabili niya pati na rin yung librong lagi kong inaantay na lumabas. Yung Detective Files File 2 Part 1 ni  Shinichilaaaabs, mahal na mahal ko talaga yung author na yun! Sana makapirma na siya sa mga libro ko sa future!

Stone Academy and the 12 Missing RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon