Crizane's P.O.V.
"Kailangan ko ba talagang mag-anyong tao at pumunta sa lupa?" tanong ko sa aking ama.
"Oo, anak. Kailangan mo itong gawin at pigilan sila sa ginagawa nilang pang-aabuso sa kalikasan." malungkot na tugon ni ama.
"Crizane, masakit sa amin ng iyong ama na ikaw ay hayaang mag-isa, pero, ikaw na lang ang aming pag-asa." naiiyak na sabi ng aking ina.
Kahit ako ay naiiyak na rin pero pilit pinigilan kong pinigilan ang aking mga luha na bumagsak, dahil baka madismaya sila sa akin.
"Tinatanggap ko na po ang misyon." sabi ko.
~~~~~~~~~~~~~~~
Christian's P.O.V.
"Kuya." tawag sa 'kin ni Mina.
"Bakit?" tanong ko.
"Yung phone mo kanina pa ring ng ring. Tulala ka na naman eh." sabi niya sabay turo sa phone ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at sinagot ang phone ko habang wala pa yung Professor namin.
"Hello?" sagot ko.
"Christian, tita mo ito."
"Bakit po kayo napatawag?" tanong ko.
"Pumunta ka dito sa ospital, nandito ang mama mo, kasi.." hindi na naituloy ni tita ang kanyang sinasabi dahil siya ay umiyak na lang umiyak.
"Bakit po nasa ospital si mama? Hello po? Tita?" tanong ko, ngunit binaba na niya yung tawag.
Agad kong tinago ang aking phone dahil ang nandito na yung teacher naming magaling.
"Good Morning Mr. Gonzales, it's nice to see you." bati naming lahat.
"Sit down." tugon naman nito.
"Bakit kuya? Anyare?" Tanong ni Mina.
"Si mama daw, nasa ospital." Mahina kong tugon.
"Edi magpaalam ka na muna kay Mr. Perfectionist!" Sabi niya.
"Pero--" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil bigla na lang siyang tumayo.
"Sir!! Pwede po bang i-excuse si Mr. Mendoza?" tawag ni Mina sa Professor namin.
"Why Ms. Kim?" Tanong ni Mr. Gonzales.
"Emergency lang ser, nasa ospital nanay niya eh." Sagot niya.
"Why are you excusing him? Hindi ba pwedeng siya magsalita para sa sarili niya?" Dagdag pa niya.
"Eh gusto ko ako. At diba emergency nga? You don't need to ask more questions." Maangas na sagot ni Mina.
Pag siya talaga kausap mo mapipilitan ka nalang ibigay yung gusto niya."Sige na. Samahan mo si Mendoza Ms. Kim" Wala na lang nagawa si Sir.
Agad na kinuha ko ang aking bag at ang bag niya tapos lumabas na kami ng classroom.
"Oyy, yung motor ko na lang gamitin natin." Sabi niya sakin sabay kuha ng bag.
~~~~~~~~~~~~~~~
~ AT THE HOSPITAL ~
"Christian!" Salubong sakin ni tita na umiiyak.
"Bakit po tita? Ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Ang mama mo kasi..."
BINABASA MO ANG
The Mermaid Meets her Prince
RomanceSiya si Crizane, ang prinsesa ng dagat Anastasia. Siya ay may misyon sa lupa na kinakailangan niyang gampanan, ito ay ang iligtas ang mga karagatan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon siya ay umibig sa isang tao, subalit labag ito sa kanilang b...