"Dahil po sa nangyari na aksidente, ikinalulungkot ko pong sabihin pero, hindi na po kayo maaaring makalakad." Sabi ng doktor sa nanay ko.
"Hindi po ba pwedeng gawan ng paraan para makalakad si ate?" Tanong ni tita Deborah.
"Pwede pa naman po, ngunit kinailangan po ng malaking pera para sa therapy." Sagot naman ni Doc."Aabutin po kasi ng mahigit 10,000 para sa therapy. Medyo mahal, pero worth it naman kapag nakalakad na ang ate mo." Dugtong pa niya.
"Naku, Christian, saan tayo makakakuha ng ganun kalaking pera?" Tanong sa akin ni Mama.
"Uhm, Tita Dianne, Baka po makatulong ako sa inyo. Tatanungin ko po si Eomma na kung may maitutulong kami." Sagot naman ni Mina habang nakangiti.
"Kamsahabnida Mina." Pasasalamat ko sa kanya sabay yakap.
"Okay lang yun kuya, kung kailangan niyo ng tulong, nandito lang ako." Sabi naman niya.
Crizane's POV
Sa wakas, nandito na ako sa kapatagan.
May paa na ako, at maaari na din akong maglakad
Pero..
WALA AKONG KASUOTAN! PAANO NA?!
BINABASA MO ANG
The Mermaid Meets her Prince
RomanceSiya si Crizane, ang prinsesa ng dagat Anastasia. Siya ay may misyon sa lupa na kinakailangan niyang gampanan, ito ay ang iligtas ang mga karagatan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon siya ay umibig sa isang tao, subalit labag ito sa kanilang b...