CHAPTER 2 Mera Belia (CITY)

2 1 1
                                    

"Hey! Hintayin mo ako!" Sigaw ko sa kaibigan ko na ngayon ay nag papatakbo sa kanyang kabayo.

"Bilisan mo kasi! Baka may makakita sa atin! Bilis!" Sigaw niya pabalik sa akin. Binilisan ko naman ang pagpapatakbo ng aking kabayo.

Kasalukuyan na kaming sabay nagpatakbo ng mabilis sa aming mga kabayo patungo ng bayan.

Nang makarating na kami sa bayan ay wala kaming oras na sinayang at tinungo namin ang aming pakay sa bayan ng Gemelia. Naglakad kami kasabay ng aming kabayo patungo sa bahay na aming pakay.

Ang Gemelia ay isang malaking bayan sa Mera Belia kung saan ay ang mga tulad lang namin ang nakakapunta rito.

Hindi kami mga ordinaryong tao. May angking kakayahan at talino kami na wala ang mga tao. Kakaiba ang mundo namin. Everything is impossible.

"Hoy! Dito tayo! Hindi dyan!" Napalingon ako sa kaibigan ko. Napagtanto ko na nalagpasan ko pala ang bahay na pakay namin sa bayan.

Nanglumo akong bumalik kung saan siya nakatayo at nanahimik.

"Ang lalim yata ng iniisip mo? Maski bahay na ating pakay ay hindi mo man lang napansin? Ano ba iniisip mo? Okay ka lang ba?" Sunod sunod na tanong niya. Ngumiti ako ng pilit at tumango.

"Okay lang ako wag mo na lang akong alalahanin" sabi ko at ngumiti siya senyales na nakumbinsi ko siya na okay ako. Ngunit ang totoo ay marami bumabagabag sa isipan ko.

Siya si Patt Laurice. She's my bestfriend since childhood day ko. Para ko na siyang kapatid. Nanghihinayang ako ngayon dahil nag sisinungaling ako sa kanya. Pero sasabihin ko naman kapag ready na akong sabihin sa kanya.

"Hello po. Magandang tanghali po sa inyo. Taga- Meidelia po kami. Nais lang po sana naming tanungin sa inyo kong meron pa kayong lunas sa sakit sa puso?" Tanong ni Patt sa matandang babaeng kaharap namin ngayon. Gulat ang nasa mata ng matanda. Ngunit nawala rin iyon at ngumiti.

"Meron pa ija. Upo muna kayo at ihahanda ko muna ang dahon para sa lunas sa sakit sa puso." Nakangiting sambit ng matanda at tumalikod na sa aming dalawa.

Na upo na kami sa bakanteng silya sa sala ng bahay ng matanda.

Mayamaya ay dumating na ang matanda na may daladalang isang supot ng plastik. Ibinigay niya iyon kay Patt.

"Maraming salamat po." Yumuko si Patt bilang pasasalamat doon sa matanda.

"Pwede ko bang itanong kung saang dinastiya kayo sa Meidelia? Mukha kasing sa mga pustura at kasuotan niyo ay alam kong galing kayo sa napakataas na dinastiya?" Nakangiting sambit ng matanda.

Mukhang nahahalata niya na’

"Galing kami sa dinasti----"

"Paumanhin po pero kailangan na po ng kaibigan namin ang lunas. Kailangan na po naming mauna. Maraming salamat po" pinutol ko ang sasabihin ni Patt at hinila  na siya.

Sumakay na kami sa aming mga kabayo at tahimik na pinapalakad ang kabayo.

"Galit ka ba sa akin? Sorry. Muntik na naman tayo mapahamak dahil sa malikot kong bibig." Nakayukong sambit ni Patt habang sakay sa kabayo. Napatingin naman ako sa kanya. Magkasabay kasi kami ngayon habang pinapalakad ang aming kabayo.

"Hindi naman ako galit." Sabi ko habang nakatingin sa daan.

Nanatiling tahimik kami ng makalabas sa bayan. Nasa gate na kami ng bayan ng may maisip akong ideya. Sumilay ang ngiti sa aking labi at tumingin sa kanya.

"Patt! Karera tayo!" Sigaw ko at agad ng pinatakbo ng mabilis ang kabayo.

"Ang daya mo naman!" Sigaw niya. Napangisi ako ng mabilis rin niyang pinatakbo ang kanyang kabayo. Ginawa ko ang makipagkarera sa kanya para hindi niya isipin na galit ako sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Powerful Lost Gem Where stories live. Discover now