Natututo Ka Na Ba?

450 29 8
                                    

"Sometimes fairytale isn't just tell stories about prince, castles, happily ever after and happy ending but teaches us to open our eyes to all possibilities of life.."
- Ricky Lee, Trip to Quiapo.

Sa mga aspiring scriptwriter gaya ko na gustong mahasa pa ang pagsusulat o kahit sa pagbuo ng kwento marami kayong matututunan sa librong yun.

"Kung gusto mong magingmanunulat, magsulat ka.."
-Bob Ong, Stainless Longganisa

"Kung hindi ka magsisimula sa wala, hindi mo rin mapapahalagahan ang mga bagay na nakuha mo.."
- Ate JhingBautista, An Online Writer's Journey.

"Sulat lang nang sulat, huwag mo nang intindihin ang iba.."
- Ate GlovitaMalditah

"Pano kung hindi sya para sa'kin pero gusto ko? Hahayaan ko na lang ba siya at hindi ko ipaglalaban?"
- Ate Raissa.

"Ayokong maging malungkot sa sarili kong libro. Gusto ko ako ang bida sa sarili kong kwento.."
- Ate Carol

"Habang inaabot ng ibang bata ang mga pangarap nila..hahayaan mo na lang ba na manatili ka lang dyan sa maliit mong mundo..?"
- Unknown

Para saan yung mga quotes na yun? Ang iba galing sa mga kilalang writer, ang iba galing sa mga kaibigan ko.

Minsan hindi mo kailangang maranasan lahat sa buhay para matuto dahil minsan sa pakikinig sa payo ng iba, o kamaliang nagawa na nila noon may matutunan ka na. Masyadong maikli ang buhay para maranasan mo lahat diba?

Gaya sa pagsusulat.

Nararamdaman mo yung mga damdaming hindi mo alam na mararamdaman mo dahil hindi mo naman yun naranasan.

Sa pagbabasa ng kwento o pagsusulat, napupunta ka sa ibang mundo, sa ibang pagkatao, natututo ka.

Sa matagal mong pagbabasa, sa tagal mong pagsusulat, may natutunan ka naman diba?

Sa mga natutunan mong yun mas maganda kung matututo rin sila nang dahil sa'yo, nang dahil sa mga sinulat mo.

Ayoko na MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon