Iniisip Mo Bang Espesyal Ka?

632 37 20
                                    

Magaling ka magsulat, maraming nagbabasa ng mga kwento mong isinulat mo sa papel. Marami silang papuri sa 'yo at nagalak ang puso mo sa lahat ng narinig mo.

Sabi pa nga,"Balang araw sisikat ka.."  o kaya naman bibiruin ka,"Baka isang araw makita na lang namin pangalan mo sa mga libro o maging pelikula.."  Tataas ang confidence mo, oo nga, may talent ka nga.

Pero napadpad ka sa mas malawak na mundo tulad ng kilala nating wattpad. Maraming sikat, merong lagpas one million ang followers, at madidiskubre mong may mas magaling sa'yo.

Unti-unting uubusin ng realidad na yun ang naipon mong confidence sa sarili.

Bakit walang nagbabasa ng kwento ko? Bakit walang nagco-comment?

Magtatanong ka ngayon, naasan na yung mga taong nagsabing may talent ka.

Inisip mong espesyal ka, na walang ibang tao o ibang writer ang hihigit o papantay man lang sa galing mo, pero ang totoo pala dagsa sila, maraming mas magaling sa'yo.

Pero dapat mong tandaan, magaling ka. May talento ka. Espesyal ka. 

May mas magaling sa'yo? Edi magaling sila. Be happy for them. Ang taong dapat mong kompitensyahin ay walang iba kundi ang sarili mo. Ang dapat mong lagpasan ay ang husay mo sa huli mong sinulat. Hindi ang binabasa mong gawa ng iba tapos ookrayin mo.

Successful na sila? Be happy and proud for them.  Let's talk about success. Iba-iba ang depinisyon ng tao sa salitang successful, ang iba ang pinagbabatayan ay ang dami ng pera o narating sa buhay.  Dito sa wattpad pwedeng ang batayan ay dami ng kwentong naka-one million reads, dami ng followers, kwentong naging libro o naging pelikula, pwedeng successful nga sila pero 'wag mong gawing batayan ang success ng iba sa success na para sa sarili mo (ilang beses kong binaggit ang success? Nakakainis noh?)

Malay natin, hindi lang sa bookstore ng Pilipinas nakahalera ang kwento mo o kaya hindi lang Pinoy ang makakapanood ng pelikula mo.

Hindi natin masasabi kung anong pwedeng mangyari bukas.

Ano ang dapat mong gawin para mangyari yun? Kumuha ng panulat at magsulat ka o humarap sa monitor at magtype ka.

Hindi matutupad ang pangarap mo kung nakatulala ka lang o maiingit sa ibang writer.

Ngayon, isipin mong espesyal ka at walang ibang writer ang makakagawa ng kwento mo kundi ikaw lang.

Ayoko na MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon