Matapos maglinis ng katawan ang mga tunggak na kakagaling lang sa mga trabaho kuno nila. Naisipan ng mga tunggak na manuod ng movie. Horror movie. Wala naman si Tao kaya ok lang sa kanilang manuod ang kaso lang may isang tunggak na kapareha ni Tao.
Minsan siya mag-priprisintang manuod ng horror movie pero pag nasa climax na ang movie siya ang unang unang titili sa takot. Si Luhan tunggak iyon. Manly daw siya. Manly. Manly-ing tumitili. Hanggang doon lang ang takot ni Luhan sa mga movie hindi katulad ni Tao na maski anino niya kinatatakutan niya.
May isang time tirik na tirik ang araw. Magkasama sina Tao at Chen. Pinabili kase ng coca-cola ni Ser Suho. Habang naglalakad eh napansin ni Tao ang itim na taong sumusunod sa likuran niya. Nag-panic at nagtitili.
"Ah Chen hyung. May multong sumusunod sa akin!!!" napatakip naman si Chen ng tenga dahil sa lakas ng tili ni Tao.
"Ano ba iyan Tao. Kalalaki mong tao makatili ka. At tsaka hindi yan multo. Anino mo yan tunggak ka." Iritang pag-kakasabi ni Chen.
"Ay ganon ba. Ganito pala ang itsura ng anino ko. Hey anino may tanong ako sayo" sinundan niya ang anino niya. Eh hindi naman tunggak itong lalaking to eh. Nagtaka kung bakit ayaw tumigil kakasunod sa kanya ang anino sa likod niya.
"Oh sige kung ayaw mong mag-pahuli sa akin. Sasabihin ko na lang ang tanong ko. Sagutin mo ako. Kamag-anak ka ba ni Kai?" Natawa naman si Chen sa sinabi ni Tao.
Oh balik na tayo sa present...
"Ser Suho. Wala na bang ibang horror movie dito sa collection mo? Napanuod na natin lahat ito eh" pag-rereklamo ni Baekhyun na prenting prenting naka-upo sa sofa habang ang ibang tunggak busy na nag-aayos sa sala para mas feel daw ang movie.
"Wala Baekhyun. Mag-ipon ka ng makabili ka ng bagong movie na gusto mo. Hindi puro eye liner ang nasa kwarto mo." Pananalita ni Kris. For the first time, may matinong nasabi si Kris hindi puro tungkol kay Superman.
"Ewan ko sa iyo Kris hyung. Ikaw bakit hindi ka maghanap ng trabaho ng kahit papaano eh magmature yang pag-iisip mo. Puro ka Superman superman diyan." Nangulangot pa ang tunggak.
"Kadiri ka Baekhyun. Yuck" pinaikot-ikot pa ni Baekhyun ang kulangot niyang sing gwapo niya. Not. At hindi pa nasyahan sa pag-ikot at pinitik niya pa sa ere ang landing? Sa siopao ni Xiumin.
Chaos na naman...
"Ahhhhh! Yung siopao ko. Baekhyun buset ka. Bakit sa siopao ko pa napunta. Langya ka. Halika dito tikman mo kulangot mo" inis at habol ni Xiumin kay Baekhyun na ngayong tumatakbo ma-isalba ang buhay niya.
"Hindi pa ba natin sisimulan ang movie?" Si Sehun tunggak na walang paki-elam sa nangyayari sa paligid niya.
"Round 1!!" sigaw nitong higanteng si Chanyeol.
"Fight. Fight. Fight!!" epal na sigaw ni Kai.
"*sigh* Bakit ko sila kaibigan? Sabihin niyo sa akin." Pabulong na sabi ni D.O.
"Dahil pare-pareha tayong mga tunggak. Destiny iyan. My tunggak bro" sabi ni Lay with matching creepy-pedo smile.
Nag-sigh nalang si D.O.
At habang ginagawang sabong ni Chanyeol at Kai ang dalawang tunggak sa ginagawa nila.
Napa-isip naman si Ser Suho.
"Saan ba mga nag-mana ang mga tunggak na kasama ko sa bahay. Juice colored. Nasaan na naman si Kris" ay nawawala na pala si Kris.
"Nasaan na naman si Kris?" Tanong niya sa hangin. Dahil may sari-sariling mundo ang mga tunggak dito.
Boogsh!! Clack!! Thumpp..! Bam..!!!
"Na naman Kris?" Napa-bugtong hininga na lang si Ser Suho.
------------
I came in like wrekenggg bolll~~ I never been so hardeu in loveee~~ all i wanted was to break your wall~~
Si Kris nakanta habang nag-reready sa paglipad sa bubong sa ganitong dis-oras ng gabi. Sabihin niyo nga bakit sa dinami dami na pwedeng gawin. Bakit pag susuperman pa ang napili ni Kris?
"HOY. Kung sino ka mang aswang ka. Lumayas ka. Nakakapang-bulabog kang sira ulo ka." sigaw ni manong na napadaan sa kalsada ng mga tunggak. Nagulat yata si Kris kaya at muntikan ng madulas sa bubong.
"Hoy ka din. Makikidaan ka na nga lang mga sisigaw ka pa" sigaw ni Kris pabalik kay manong.
Hindi na pinansin ni Manong at umalis na.
"Hoy Kris. Bumaba ka nga diyan. Naku talaga kapag hindi mo pa tinigil kakalipad mong tunggak ka. Magkikita nalang tayong lahat sa burol mo" Sigaw ni Lay na nakatingalang nakatingin sa madalim na ulap.
Hindi nakinig si Kris at lumipad na...
Boogsh!! Clack!! Thumpp..! Bam..!!! Ackk!!
"Ayan ang sinasabi ko sayo eh. Hahaha. Itigil mo na nga iyan" hindi na mapigilan ni Lay ang tawa niya.
Eh paano na naman kase lumipad nga si Kris, sumabit naman ang superman na brief niya sa puno. Ayun itsura ng mukha, mukhang tunggak na inire.
"Buahahahaha!!!!!! Juice colored Kris hyung. Hahaha. Facebook na ito" kinuha ni Sehun ang phone niya at kinuhanan ng litrato si Kris. Madaming litrato. Mga tunggak na ito.
Sa halip na tulungan ang kaibigang bumaba, silang lahat ayun nag-sisight seeing sa dilim. Dagdagan mo pa ng ilaw ni D.O sa kwarto na nagreflect sa bintana.
Ang labas? Nagliliwanag ang brief ni Kris.
Nag-tatawanan ang lahat na tunggak pati si D.O-ng tahimik nag-explode kakatawa.
"Kris hyung pwede ka na sa circus" bulas las ni Kai.
Ito namang higanteng tunggak na ito. Sa halip na magalit at masaktan. Natuwa pa at nakisabay tumawa sa mga kaibigang tunggak.
At hindi pa nasyahan. Nag-pose pa ang tunggak. Feeling model.
Someone call the doctor at ilagay na sa mental ang mga tunggak na ito.
----
Nakatulog na ang lahat sa bahay pero bukas ang ilaw sa labas para sa mga tunggak na uuwi ng madaling araw.
Nauna ng umuwi si Tao. Dahil balot lang naman ang tinitinda nun, kaya hindi magtatagal sa labas. Isipin ninyo takot sa multo at insecto pero trabaho mang-babalot sa gabi? Tunggak nga talaga.
"I'M HOME!!" sigaw ni Chen tunggak. Hindi naman sira ulo to, alam na natutulog na ang ibang tunggak sumigaw pa. Hindi naman nagising ang mga tulog na tunggak kaya ok lang kay Chen na mambulabog sa madaling araw.
"Ano ba ang pwedeng mapanuod?" Tanong ni Chen sa sarili niya. Tunggak na ito, gising na gising ang dugo.
Sabihin nyo nga, ok lang ba ang pag-iisip ng mga tunggak na ito?
------------------------------------------
metherlance_ and galaysquid_
BINABASA MO ANG
Tunggak boys
FanfictionLabing dalawang lalakeng pinagkaitan ng katalinuhan at katinuan ng pag iisip, de joke may matino naman kahit papaano. Eto ay story ng mga tunggak boys at kung paano sila nabubuhay sa isang hunted bahay. WARNING: OA ness at open minded lang ang pwede...