Tyler

5 1 0
                                    

Tyler's POV

"WELCOME BACK TYLER!!"

Ang akala ko talga walang tao sa bahay ni Granny. Pagdating ko kasi dito hindi nakabukas ang mga ilaw. Pero nang makapasok ako sa bahay at binuksan ko ang switch ng ilaw, bumungad agad sa akin ang mga mukhang sobrang na-miss ko ng ilang taon. Yung mga mukhang matagal ko nang hindi nakikita ng personal, heto sila sa harap ko at masayang masaya sa pagbabalik ko.

Pero may isang mukha akong gustong makita na wala dito. Matagal ko na din sya di nakikita ng personal pero wala sya dito. Hindi ako din naman inaasahan na makikita ko sya ngayon dito. Hindi din ako sigurado kung magiging masaya syang makita ako. Pero umaasa ako na malaman nyang bumalik na ako.

"Welcome back Kuya Tyler!" Napalingon ako kay Toni, nakababatang pinsan ko

"Hey Toni! You're all grown up! Pero kinda boyish pa din ah" Puna ko sa pinsan ko

"Kuya Ty naman!" pikon pa din pala tong si Toni

"But I must say, for a boyish girl, you are the prettiest!"

"Asus! Bulero! Ikaw pogi pa din pero walang girlfriend!" ako naman ang inaasar nagyon 

"Oi, hindi ako bolero at sino nagsabi na wala akong girlfriend?"

Para yatang masyadong na-excite si Toni sa sinabi ko at pinagkalat agad sa buong Mata Clan na may girlfriend ako. Hayyy! Teenagers!

Masyado naman din yatang na-excite ang family ko sa pinagkakalat ni Toni at dinumog ako!

"Tyler, hindi mo naman sinabi na may Girlfriend ka na pala?" tanong agad ng Mom ko

"Ty, is she from Barcelnona? Sya ba yung nasa E! News? Yung Spanish Beauty Queen na si Andrea Vera?" this time it was my Auntie Elena

"T! OMG! Why didn't you bring her with you?! She's pretty! I am dying to meet her!!" now this is my cousin Penny

"Insan! Kastila ba yang chicks mo? Baka naman pa-refer sa ibang Beauty Queen!" ito yung gago kong pinsan na si Levi the PlayBoy!

Ang daming tanog pero di naman ako binibigyan nang pagkakataon sumagot. Hindi nga ako makasingit. Sa tuwing magsasalita napuputol ang sasabihin ko dahil nauunahan ako. Minsan sila na din ang sumasagot sa mga tanong nila. Well, welcome home for me! Ito yung nami-miss ko. Yung makapiling ang mahal ko sa buhay. Dati kinaiinisan ko ang ingay nila, pero nung tumira ako ng limang taon sa Barcelona, na-realize ko kung gaano ko sila kailangan sa buhay ko.

Na-realize ko kung gaano ko sila kaimportante sa akin. Yung mga bagay na kinaiinisan ko naginagawa nila hinahanap ko yun sa Barcelona. Kaya kahit pa mangulit at sasabat sila sa gitna ng pagsasalita ko, hinding hindi ako maiinis. Dahil na-miss ko to. Yung maging parte ka ulit ng pamilya.

"O, Tyler sino ba yang girlfriend mo at nagkakagulo na ang pamilya natin?" natatawang tanong ni Uncle Vic

"Big deal kasi yun Dad! Ngayon lang sya umamin na may girlfriend after Cheska!" dahil sa pangalan na nabangit ni Miles, pinsan ko na anak ni Uncle Vic, parang nag-echo yung pangalan sa buong paligid at unti-unting natahimik ang lahat.

Ewan ko kung halata sa mukha ko ang pagkabigla nung margining ko yung pangalan nya pero yung taong yun ang gustong gusto kong makita at makausap nang matagal nang panahon. Ang dami ko kasing gustong sabihin sa kanya.

"Naku! Tigilan nyo na si Tyler! Baka mainis yan at magbago ang isip at bumalik agad sa Barcelona pagkatapos ang kasal ni Ally!" As usual Granny to the rescue!

"Granny, that's fine. I'm OK, and don't you worry. Nothing will ever change my mind and I will stay here even after Ally's wedding. I'll stay for good!"

As usual there were lots of catching ups, throwback memories and updates about each of our lives. Daming din pagkain! Lahat ng paborito ko inihain ni Granny at ng Mom. Na-miss ko din ang Filipino food lalo na ang luto nilang dalawa. Sobrang nakaka-miss makita yung mga eksenang nakasanayan mo na. For the five years sa picture ko lang to nakikita pero heto at na-experience ko din ulit. Yung makikta mo na nag-eenjoy and nagbo-bond yung family mo kasama ka. Yung mga babae nasa kusina pero yung iba nasa living area at nagka-karaoke, yung mga bata sa pool at naglalaro at nagtatalunan, mga teens nasa isang corner minding their social media world, the boys are drinking and laughing. It's been years since the last time I had this kind of bond and I'm so happy to do it again with them. Sa lahat ng pa-welcome party sa akin, ito ang pinaka gusto ko. To be with my family again

Sakabilang banda hindi ko maiwasang maalala yung huling beses na may ganitong party sa bahay ni Granny. That was 4 years ago. And that was the last time I ever saw her. When she went out of the house, she also went out of my life.

"Huy! OK ka lang?" 

Nawala yung malungkot na naiisip ko kanina dahil sa babaeng dumating. Si Ally, Pinsan ko

"Huh?.. O-ofcourse! I'm happy to be back. For good!" I said while trying to smile

"Bakit mag-isa ka dito sa old swing?" Tanong ni Ally at umupo din sa bakanteng swing sa tabi ko. Ewan ko ba kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito sa old swing. Sobrang tagal na nito sa bahay ni Granny. Siguro since five years old ako andito na to. Sobrang nangangalawang na at halos wala nang pintura. Daming memories dito. Kaya siguro daito ako napunta.

"Wala lang. Nagpapahangin lang. At magulo sa loob gusto ko muna ng quiet time to think" Yun lang sabi ko 

"To think about what you're about to do?" Ally asked

Napabuntong hininga lang ako at tumungo

"Sure ka na ba dyan sa gagawin mo?" Ally asked doubtfully

"Never been sure in my entire life, Al" I answered in a low tone

"I guess hindi mo naman iiwanan ang dream job mo kung hindi ka sigurado dyan sa gagawin mo, di ba?" Napatingin ako kay Ally "Hindi ka ba nang hihinayang sa trabaho na meron ka sa Barcelona? You are on the height of your career and you gave it all up" I can feel Ally's concern

"Al, totoong I had my dream job. I've been dreaming to be a professional photographer since high school. I was only twenty one when I left to go to Barcelona do what I love and get paid. I took a risk and gave up everything I had here. Hindi madali. Ang dami kong na-sacrifice. When I became a fashion photographer in Barcelona, naranasan ko yung mga bagay na dati parang imposible. Nakarating sa mga lugar na dati hangang bucket list lang. Halos kilala na ako kahit saan ako magpunta sa Europe. I was rich and famous in Barcelona. Oo, masaya at naranasan ko ang masarap at maginhaang buhay na mas doble pa sa buhay na meron ako dito sa pilipinas. Pero kapag nawala na yung mga tao, kapag tapos na ang party at ako na lang mag-isa, minsan naiisip ko kung worth-it ba yung mga bagay na iniwan ko sa pilipinas para lang sa pangarap ko. Kadalasan, ang sinasabi ng utak ko, Oo, sobrang worth-it dahil sa mga bagay na nararanasan ko sa at nakukuha ko, pero sa puso ko, laging may kulang. May hinahanap. Yung saya na hindi ko mahanap sa Barcelona. Kasi nga wala sa Barcelona, andito kasi sa pilipinas. Iniwan ko. " finally I said it

"Tyler, sobra kitang naiintindihan. Alam mo naman na kahit sa anong bagay nakasuporta lang ako syo, pero hindi natin masisigurado kung magtatangumpay tayo sa binabalak mo" Sagot ni Ally

"Alam ko naman. Gusto ko lang na bigyan nya ako nangpagkakataon na kausapin sya. And dami kong gustong sabihin. Naipon na nang limang taon. Ang bigatbigat na sa dibdib. Gusto nang sumabog Al" ewan ko parang naiiyak na ako

"Basta, no matter what will happen, we are still here for you!"

"Alam ko naman yun. No matter what will happen, I just want her to know how I feel"

Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin pero ang alam ko lang gagawin ko ang lahat para masabi ko ang lahat ng gustong sabihin sa kanya.

Bahala na.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Need To Be Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon