CHAPTER 9 (They still share the same face)

5.4K 89 3
                                    

I suddenly felt sick, kaya di na muna ako pumasok. I guess tinablan na rin ako ng sakit. Tatlong linggo na rin akong nagtatrabaho sa company nila Andrei and he’strying to be civil towards me, kaso yung ugali niya ang nakakastress. Parang gusto ko na magquit pero pinigilan ko pa rin ang sarili.

It doesn’t seem right if I suddenly quit, pero nakakastress na siya. Yung mood swing s niya tinalo pa ang babaeng may dalaw at grabe, masisiraan na ako ng bait kung paano lumabas pasok ang mga babaeng may booking sa kanya. Lahat ng mga babaeng yun eh halos lumuwa na ang kaluluwa.

Sore loser Andrei, pumapatol sa cheap.

I texted him that I won’t be able to go to work today, buti na lang nalong weekend ako kasi Friday ngayon at may panahon akong gumaling.

I had fever last night at umatake nanaman ang matindi kong hyperacidity. Kailangan ko rin kasi magpatingin mamaya sa ospital kung saan natatrabaho ang daddy ko para masamahan niya ako sa kaibigan niyang gastroenterologist.

I finished taking a bath and started eating my breakfast with my dad. Sasamahan niya ako sa ospital nila at magpapatingin.

“Does it still hurt, sweetie?” Dad asked.

“Medyo dad, yung Ranitidine di niya napawala yung sakit.”

“It’s because medicine iyon for your acidity and a pain reliever. Mamaya hihingi tayo kay Dr. Yu. Siya na ang bahala sayo kasi I called him earlier at bakante naman siya so makakapagendoscopy ka pa today.”

“Sure thing dad.”

“Finish your meal, and tell your mom na umuwi ng maaga kasi magdidinner tayo sa labas. Baka mamaya maging sobrang busy na naman yun sa coffee shop niya.”

“Yep.”

We reached the ‘Falcon Medical Group’ at tumungo kung saan ang kaibigan ng dad ko. I saw a guy in his thirties I guess at pinaupo niya kami.

“Ito nga pala ang anak ko, si Victoria.” The doctor smiled and shook my hand.

“Maganda pala ang anak mo Dr. Solomon.”

“Syempre, saan ba magmamana?” Then my dad laughed.

“So, according to your dad yung records mo sa US says na mild hyperacidity lang naman, right?”

“Yes. Tsaka sumakit siya kahit na kumakain naman ako ng normal. I don’t skip meals doc. Noong college oo, kasi I was getting ready for the board exams.” He smiled and checked my former records.

“Oh, we no longer need to perform endoscopy. Ganito yan, kung hindi yan pagkain eh di stressed ka? Why are you stressed, Victoria?”

“Sa work. I’m really stressed. Hindi ako sanay sa working environment ko, sa totoo lang.” Then my dad looked at me with wonder in his eyes.

“Kasi back in the US, I mostly work with men in a huge room with lots of cubicles and the place is loud and energetic. Yung work ko kasi ngayon… well… my boss and I share the same room at kaming dalawa lang. Makikihalubilo lang ako sa iba tuwing bababa ako sa Marketing and Accounting department for clearing ng trabaho. Sobrang tahimik.”

My dad didn’t speak.

“A-anak… so kayong dalawa lang ni Andrei sa opisina?!”

“Y-yes dad.”

“Oh my god, Dr. Falcon didn’t tell me that you’ll be sharing the same room ng kayo lang. “

Dr. Yu interrupted and laughed. “Yung anak ni Dr. Falcon ang boss mo? No wonder stressed ka ng ganyan kasi babaero at matindi ang mood swings nun. Nakasama ko na sa inuman yun kasi sinasama lagi ni Dr. Falcon yung twins niya sa functions.” He just laughed ang my dad looked really funny I want to laugh as well.

We got out of his office as soon as naibigay na yung prescription. Then my dad faced me.

“Anak, I know you were head over heels with Andrei, pero tell me honestly, pinapahirapan ka ba niya in any way kasi ako na talaga ang kakausap sa taong yun.”

“No dad, stressed ako kasi tahimik ang paligid di nga ako sanay sa ganun. Maingay sa New York, dad tsaka tahimik na tao si Andrei. Di naman na kami yung tulad ng dati, kaya you don’t need to worry. Tatlong linggo pa lang ako dad and I can’t still adjust.”

“Take time, sweetie.”

“I know. You need to go to your office na dad, tsaka sabi mo may limang nagpa-appointment sayo, right? Go.” I smiled at him and he waved goodbye.

Pasakay na ako sa elevator nang makita ko ang mukhang iyon, in a messy hair and warm ambience.

“Chris? Ikaw na ba yan?” He looked at me na para bang di niya ako kilala.

“Di kita kilala miss. I mean, di ako babaero or something para di ka maalala.” I laughed and he looked more puzzled.

“Hmm…  I’m Victoria… Victoria Anne Solomon.” His eyes grew large at natameme.

“W-wow. Grabe… ang ganda-ganda mo. Sobra. Speechless ako. I swear. I actually missed you baked goods na ninanakaw ko dati sa bag ni Andrei. Nagulat na lang ako dati na di ka na member ng council kasi biglaan yung desisyon mong magcollege abroad.”

“Yes. I got into and Ivy league school. I went to Dartmouth.”

“Wow! Big time ka talaga. Di ko alam na dun pala. Di ko naman matanong dati sa daddy mo nun kasi mukhang nakakatakot yung dad mo.”

“Hindi ah. Ikaw talaga!”

“By the way bakit ka nasa ospital? Di ba nagwowork ka na daw kay Andrei?”

“Yep, actually absent ako. Sinabi ko naman na sa kanya na sick leave kaya naintindihan naman niya. Eh ikaw, wala ka bang trabaho sa planta?”

“Ah, nakaleave ako kasi nakakapagod na sa planta. Ang init-init tsaka buti pa yung mokong na Andrei naka-aircon at kasama pa ang magandang tulad mo.” He winked.

“Loko ka. Bakit ka nga rin pala nandito?”

“Ah, may pinaabot si dad kanina. Yung phone niya naiwan sa dining table. Ikaw? May sakit ka ba?”

“My dad and I went to a gastroenterologist for check up.”

“Ahh… may gagawin ka ba today? Lunch tayo, tara. My treat.”

“Huh? Nakakahiya naman sayo Chris.” He just smiled.

“Wag kang mahihiya, dati kaya tayong members ng student council tsaka let’s catch up, friends naman tayo dati.”

“Sure.” I answered while distracted kasi they still share the same face.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon