"Napaglaruan ni Tadhana"
Sa di inaasahang pagkakataon
Tayo ay pinagtagpo ng panahon
Akalang kaibigan lang ang meron
Yun pala higit pa roonLumilipas ang sandali
Tila pangkaraniwan lang ang saya sa labi
Ngunit ako'y biglang napangiti
Nang biglang ika'y tumabiMga galawang walang malisya
Sakin ay nagbigay saya
Pero habang tumatagal
Tila ang mga pangyayari ay bumabagalAng dati lang na ikaw at ako
Nagkaroon ng kwento
Na humantong sa tayo
At umabot sa duloMagulo ang sitwasyon
Pero di nalang kwinestyon
Dahil naaaliw sa tuwa
Ang mga pusong kaysayaSa bawat araw na magkasama
Tila ayaw ng magkalayo pa
Dahil sa bisig ng isa't isa
Walang hanggan ang nadaramaNgunit sa nagdaraang linggo
Ang isa ay nanglalabo
Bigla nalang sumuko
Kahit ayaw pa ng pusoUmalis nang may paalam
Kahit masakit malaman
Na may isa pang lumalaban
Kahit bumitaw na ang kanyang pinaglalabanMasakit ang mga nangyari
Pero wala ng bawian na mangyayari
Dahil nagkasakitan na ang dalawa
Sa kwentong binuo nila magkasamaAko ang unang nakasakit
Pero hindi mo kailangan maghinanakit
Maniwala ka man
Sarili mo lang din ang iyong pinahihirapanSa bawat talim ng salita mo
Tila bubog ito sa puso ko
Pilit ko mang ipagsawalang bahala
Pero masakit pala talagaNasasaktan ako sa ginagawa mo
At alam ko yung ang gusto mo
Ang maranasan ko ang hirap mo
Dulot ng nagawa ko sayoTama na ang parinigan
Tigilan na ang sakitan
Nawala na nga pagmamahalan
Pati ba naman ang alala ng ating nakaraanGusto mo ako masaktan?
Gusto mo ko makitang nahihirapan?
Yan nga ba talaga ang gusto mo
Kasi kung ang sagot ay ooIsang maligayang pagbati para sayo
Dahil nagtagumpay ka sa pananakit mo
Ngunit kahit ganito ang ginagawa mo
Irog ko, mahal parin kita sa kabila ng lahat ng itoNakarating man tayo sa dulo
Ako'y nagpapasalamat parin sayo
Dahil minahal mo ang isang tulad ko
At pinatunayan mong nagkamali akoNagkamali ako sa pagpili ko
Na ikaw na ang para sa isang ako
Dahil akala ko iba ka sa lahat
Pero di rin pala tapatPatawad sa huli
Di na tayo makakabalik sa dati
Dito nalang ang kwento natin
Kwentong wala ng atin!Hanggang sa muli, paalam!
BINABASA MO ANG
Tala ng mga Tula
Teen FictionKaibigan ang unang takbuhan kapag may problema. Pero ibahin mo ang paraan ko. Bigyan mo lang ako ng isang buong papel at isang pangsulat . At handa na ako sabihin ang aking problema sa paraan ng tula. Tara na sa Talaan ng tula .