II. Ikalawa

1 0 0
                                    

"Saya(NG)"

Ilang linggo na ang dumaan
Madami na agad nagdaan
Para tayong sumabak sa labanan
Na hindi handa at walang laban

Habang nagdidigmaan ang mga mundo
Nakasugal na ang mga puso
Hindi na malaman kung sino ang panalo
Ang isip ba o ang puso

Para tayong naggegerahan
Sa mundong pareho nating ginagalawan
Imbis ang mamuhay ay kapayapaan
Ngunit ang nangyari ay kaguluhan

Oras na para sa pagaayos
Ititigil na ang dapat matapos
Para ang hininga ay hindi na makapos
Panahon na para tanggalin ang mga gapos

Heto na ang digmaan natin
Na matagal dapat natin tapusin
Hindi ikaw at ako ang magkalaban dito
Kundi tayo laban sa mundo

Patawad, kung nawala ako sa laban
Na dapat sabay tayong lumalaban
At naiwan ka magisang nakikipagdigmaan
Sa relasyong ating sinimulan

Wala nako magagawa pa
Dahil sumuko na ang panangga
Panahon na para tumigil ka
Dahil tanging ikaw nalang mag-isa

Wala na ang digmaan
Wala na nga ba talagang kaguluhan?
Payapa na ba ang kapaligiran
O palihim ka parin nakikipaglaban.

Tigil na
Kasi talo kana
Dahil ikaw nalang magisa
Ang lumalaban para satin dalawa

Tala ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon