Luha ay pumapatak
Tila ulan na tumatagaktak
Saya di na dama
Puro sakit ang dala
Mga pangako hindi na tanda
Mga salita ng umihip ang hangin dinala
Pag-ibig na sing init ng tag araw
Ngayon singlamig ng tag-ulan
Yakap na kay init
Hindi na maramdaman ulit
Ngiti ngayon ay pilit
Sakit sadyang makulit
Tag-ulan,Tag-ulan
Ibalik ang nakaraan
Alaala na pinanghahawakan
Tag-araw muling maramdaman