Isa Dalawa Tatlo
Luha di mapigil sa pagtulo
Sakit kaya kailan hihinto
Puso hindi na natutoApat Lima Anim
Akala sagot sa panalangin
Pakiusap sana ay dinggin
Pangakong tinangay ng hanginPito Walo Siyam
Ito na ay isang paalam
Mga alaala hindi malilimutan
Pagmamahal di mawawala kailanmanSampo
Mundo ko'y hindi dapat huminto
Sarili ko'y dapat mahalin ng buo
Salamat sa sayang padama mo