The VIRGINS
Papunta na ako sa bahay ni Yellina Rose when I received a message coming from Memsh Diego Amorsolo a.k.a Dienne Go. Sinong bakla ang makakaisip ng ganong pangalan siya lang. Ang bakla na may paniniwalang 'Virgin ngayon bukas hindi na'.
-tooooot-
1 mesaage receive
Diego a.k.a Dienne
Memsh, bring ka nga ng Foods iyong masarap at malinamnam.
To: Diego a.k.a Dienne
Uy, meron bang Foods na masarap na, malinamnam pa?
Send..
-tooooot-
1 mesaage receive
Diego a.k.a Dienne
Meron syempre. Huwag shunga Memsh. Lahat ng pagkain masarap at malinamnam. Dito nalang kita babayaran. Basta alam muna ang Fave ng lahat ng 'virgins'. Alam ko nasa syudad ka sabi ni Tita.
To: Diego a.k.a Dienne
Utusan mo ba ako, gaga ka. Pilay ka ba ng di ka makabili.
-tooooot-
1 mesaage receive
Diego a.k.a Dienne
Oo, pilay ako. Sige na please. 🙏 love kita alam mo 'yan memsh. See yah later, lablab.
Litse tong baklang to. Babalik nanaman ako sa dinaanan ko.
Lakad ako with cofidence syempre feeling maganda ako e. Nang makita ko si my bebe Martine, gwapo talaga. Wait, is that the pokemon ay hate. "Hindi talaga sila bagay. Maghihiwalay rin kayo." Bulong ko sa sarili ko.Ako na si makapal ang mukha binilisan ko ang lakad ko. Para makita niya ako. Pasalamat talaga ako na iisang circle of friends sila nong boyfriend ni Cassandra Marie.
"Sana talaga madapa si girl." With matching cross fingers pa 'yon ha. Anak ng titing nadapa nga, sayang lang nasalo pa. Martine bebe huwag masyadong pakahero gwapo ka lang, wala kang powers. Sarap talaga itulak. Lord, sorry na po kasi ang bad ako.
Ang sama ng tingin ko sa kanila. Hindi ako bitter, hindi ako na iinggit.
"Keren, pa saan ka." Kunwari nagulat ako, actress yata to.
"Uy Martine ikaw pa yan, papunta akong mall may bibilhin ako."
"Ganon ba. Sabay ka na lang saamin ni Jasmine sa mall din kami."Maling-mali talaga, wrong move. Tumango lang ako. Sawang-sawa na ako maging third wheel. Sarap humindi kung di lang talaga kita crush. Pabida kasi.
"Keren, girlfriend ko nga pala si Jasmine. Babe, si Keren iyong friend ni Cassandra."
"Hi."
Ngumiti ng plastic sabay sabing "hi". Sakit ng heart ko while walking sabay nga kaming tatlo nasa gilid ako ni Martine habang sya naman hawak hawak niya ang kamay ng girlfriend niyang pokemon. Malas na araw.
"Kamusta ka na pala?"
Okay lang at tango halos sagot ko sa tanong niya. Iyong girlfriend niya naman halos di makabasag pingan. Gusto kong umiyak sa inis. Nagkahiwalay nalang kami sa mall, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari.
"Sana talaga maghiwalay na sila kasi masasayang ang pacute at papansin ko."bulong ko sa sarili ko.
"Uy, hi! Crestina."
Malas talaga sa lahat ba naman ng maka salubong itong kulogo pa talaga. Inirapan ko lang siya.
"Sungit a. Bastid ka ba ng crush mo."
