Gandang-ganda sa sarili
"Anong oras na ba?" Malamyang tanong ko sa sarili ko. Nasa bahay lang ako specifically sa kwarto ko, ang lungga ko. Summer ngayon, bakasyon. Bakasyon ng puso kong sawi ay lintik hindi ako sawi, umaasa lang pala. Wala akong ginawa buong araw, magdamag lang akong nasa kwarto halos patapos ko na ngang panoorin ang Weightlifting Fairy Kim Bok joo.
Mabuti pa si Bok Joo may love life, may kahalikan, may kayakapan at higit sa lahat may ka I love youhan. E, ako? kahit man lang textmate wala, ni crush ko di ako pinapansin. Shit, talaga alam mo 'yon ako ang kaharap pero noong dumaan lang 'yong syota niyang pangit sa paningin ko lumihis ba naman ang tingin.
Naalala ko na naman ang masakit na katotohanan. "Pangit ba ako? Sabi naman ni mama maganda ako, si papa naman sabi niya mas maganda pa daw ako sa pinsan ko. Ano 'yon nagsisinungaling si papa at mama, e, anak nila ako kaya magsasabi sila ng katotohan pawang katotohanan lamang."
Sabi ko 'yan sa sarili ko huwag ka kahit inner self ko di ko pinasalita kasi matabil dila nito e."Uy bruha, maniwala ka naman sa parents mo ayaw ka lang talaga nilang saktan. Tumingin ka nga sa salamin may maganda ba sayo?" Tumingin naman ako sa salamin. "Makinis ba iyang mukha? Mahiya ka naman gurl may pimple ka kahit kailan di mo reach iyong kinis ng mukha nang girlfriend ng crush mo." Tinititigan ko iyong mukha ko, at napatango ako ng tatlong besis. "Tayo ka gurl, may hinaharap ka ba?" Napahawak naman ako sa hinaharap ko. "Wala diba. Kahit man lang sa puwit meron ba?" Sabay iling ko. "May curves ka ba?" Sabay tingin ko naman sa katawan ko, meron naman konti. "See gurl, wala kang panama sa girlfriend ng crush mo tanggapin mo na pangit ka, malapad pa iyang noo mo so huwag umasa at mangarap ng gising, kahit kailan di ka papansinin non."
Natulala ako sa salamin, bumili talaga ako ng malaking size nang salamin para makita ang sarili ko ng buo. Bigla akong natauhan. "Lintik, tong inner self ko kung makalaiit akala mo siya ay di ako. Kung makalait parang ang ganda boysit. Araw-araw nalang ako nakakatanggap ng liit sayo. Ganda ka? Masama bang umasa? Masama bang mangarap? Pag ako gumanda at maakit ko iyon crush ko who you ka sa akin? Huwag na huwag mo ako malaiit-laiit sabunotan kita dyan." Pang limang araw ko ng kausap ang sarili ko. Panglimang araw na rin akong nilait ni inner self.
Para may pampalubag loob ako sa sarili ko, tumingin ako sa salamin sabay sabing "Maganda ako at gaganda ako. Walang forever at papatayin ko ang salitang together." Sabay tawa "hahahaha"
"Keren Crestena, ano ba hindi ka ba lalabas dyan? Kausap mo nanaman sarili mo. Lumabas ka nga dito at tumulong ka para may gamit ka dito sa bahay."
"Ma, naman e. Tinatamad ako." Sabay sigaw at hindi nilulubayan ng tingin ang sarili ko.
"Isa,Keren Crestina. Huwag mo akong hintayin na magalit ako. Baka di ka na talaga makalabas diyan sa kwarto mo."
Inayos ko ng madalian ang sarili "ganda talaga". Sabay takbo papababa at yakap kay mama.
"Ma, huwag ka nang magalit, lumabas na ako. Pakiss nga mama."
"Huwag mo akong daanin sa pasweet sweet mo anak. Mabuti pang magluto ka na ng kanin at ulam para sa hapunan."
"Ma, may tanong ako?"
"Ano?"
"Maganda ba ako?"
"Hay naku anak ka ng papa mo, nakakaumay na 'yang tanong mo."
"Mama, naman e, oo at hindi lang ang sagot ang haba na ng sinabi mo." Ngumuso ako, kainis si mama.
"Makapag-luto nanga."
"Alam mo anak, maganda ka at love ka ni mama. Bat ba ang trying hard mo? Siguro naalala mo nanaman ang crush mong di ka pinapansin. 3rd year college ka na at malapit ng magtapos dapat magmature ka na. Hindi naman importante ang kagandahan. Dapat alam mo na hindi sa panlabas na anyo nasusukat ang kagandahan."
"Ma, naman e alam ko 'yon. Kaya lang ma, 3rd year na ako wala pa ring jowa."
"Anak, huwag naman kasing magmadali may darating ring lalaki para sayo, iyong tanggap ka at mahal ka. Na kahit iyang mga flaws mo ay matatanggap niya. Hindi ako nagagalit kahit papa mo dyan sa kaartihan mo supportado ka namin. Ang amin lang ng papa mo e tanggapin mo sarili mo, mag-aaral at magsikap ka nang sa ganon maabot mo ang panarap mo at higit sa lahat maging masaya ka."
Niyakap ko si mama. Ito iyong gusto ko kimama at papa supportado nila lahat ang gagawin ko, kahit mga kabaliwan ko sa buhay. Si mama, alam niya lahat nang nangyayari sa buhay ko. Wala akong sikreto na tinatago sa kanya. Lahat ng payo niya tagos sa heart kaya lang ako lang talaga ang matigas ang ulo.
"Ma, i love you. Gusto ko lang naman kasi maranasan 'yong feeling na may boyfriend e. Kainis kasi itong si Cassandra Marie, parati ba namang pinagmamalaki sa akin iyong pag-ibig niyang kasing saya at tibay pa sa tambalang kathniel at para namang may forever. Araw-araw niyang sinasabi na gurl iba talaga daw ang feeling kapag may inspiration ka sa pag-aaral, may tutulong at iintindi sayo. Kita mo iyon ma ang bastos ng bruha hindi man lang nahiya sa akin na single all my life to."
"Ang anak ko na iinggit lang pala. Anak, what cassandra says are all true pero anak maniwala ka sa akin kung maghihintay ka lang ng lalaki na para sayo maeexperience mo rin iyang pag-ibig na totoo at wagas. Parang kami ng papa mo 'ngayon at kailan man sumpa koy iibigin ka, ngayon at kailan man'."
"Ma, na touch na sana ako e bat may pa theme song ka."
Tumawa lang si mama. I have the best mama ever. Tama, maghihintay ako sa tamang lalaki para sa akin pwera nalang kung hindi magbago isip ko.
Love waits, hmmm. Tama, love waits pero minsan kapag hindi na talaga makapaghintay, will I can make a way to your heart bebe in the future. Pag ako 25 na tapos nga-nga parin itaga mo sa malaki kong noo gagawa ako ng paraan ilalabas ko lahat ng hokage moves ko. Wait, iling-iling dapat Keren Crestina isa-puso at isa-isip ang sabi ni mama.
-tooooot-
1 mesaage receive
Yellina Rose
Gurl, punta ka sa bahay. Miss kita.😘
To: Yellina Rose
Okay. Stop the emoticon please halata ka masyado wala kang katext ano.
Send..
Yellina Rose
Uy, nagsalita ang meron FYI meron ano. Tsk'mas may katext pa ako sayo.
-tooooot-
1 mesaage receive
To: Yellina Rose
SAKIT HA. ANO NAMAN NGAYON.
SEND..
-tooooot-
1 mesaage receive
Yellina Rose
Highblood ka masyado. Love kita kahit ang pangit ng tabas ng dila mo. Basta I expect you tomorrow kompleto tayo bukas. See ya. Uy, tandaan mo mas maganda ako sayo. Lamang ako sayo kasi hindi ako NBSB. Hahaha.
Bwesit. Ipamukha ba naman sa akin. Ano ngayon. Masmaganda pa rin ako. Feeling talaga.
To: Yellina Rose
Whatever.. 😐😑
