Crown Heart
˚✧₊⁎ Ch. 0 | The Beginning⁎⁺˳✧༚Bite my tongue, bide my time
Wearing a warning sign
Wait 'til the world is mine
— you should see me in a crown | billie eilish★
Power o kapangyarihan.
Isang importanteng bagay na tila kinalimutan na ng mga tao kung kaya't ang naging resulta ay ang paglimot nito.
Lahat tayo ay nabuhay sa mundong ito na may taglay na kapangyarihan subalit dahil sa takot ng ating mga ninuno ay pilit itong itinago at pilit ring ipinalimot sa ating puso at isipan.
Kung kaya't nabuhay tayong walang alam o mang-mang kung tatawagin.
Hindi natin sila masisisi sapagkat ang nangyaring trahedya nuon ay nag-iwan ng bakas na bangungot. Para sa kanila ay mas maigi na lamang kalimutan ito marahil ay natatakot sa salitaing— history repeats itself.
Ayaw nila ulit maramdaman ang sakit at puot.
Dahil ang magtaglay ng powers ay hindi biro.
Kaya nitong pabutihin ang mundo at kaya ring pabagsakin ito.
Dahil likas sa tao ang mabuhay para lamang sa sarili ay napagdesisyunan ng gobyerno na itago na lamang. Ika nga— ignorance is bliss.
Hanggang sa lumipas ang maraming taon ay nabuhay ang tao na walang ideya tungkol sa kanilang mga powers.
Para sa kanila ay isa lamang itong hamak na fantasy o imahinasyon ng may malilikot na utak.
Wala ng naniniwala dito at kung mayroon man ay marahil na binabansagan na silang baliw o siraulo.
Ikinatuwa naman ng gobyerno ang pagka-ignorante ng tao dahil para sa kanila ang ibig sabihin nito ay nagtagumpay sila. Ngunit ang hindi nila alam ay taliwas sa kanilang paniniwala mayroon palang nabuong isa pang mundo.
Mundo kung saan nabubuhay ang powers o magic.
Mundo kung saan tanggap ito at mas lalo pang pinagaaralan.
Alam ng grupo na tinatawag na 'The Council' ang magiging resulta dahil sa insidenteng nangyari nuon. Kung kaya't mabilis silang gumawa ng ideya at napag-uspan na gumawa ng sarili nilang mundo.
Likas sa tao ang matakot sa mga bagay na hindi nila kinasanayan o mga bagay na hindi nila maintindihan samantalang sila ay kaya nilang i-embrace at tanggapin ang kahit na ano man ito.
At dahil duon ay nabuo ang Crown Realm.
Kung saan nabubuhay ang mga espesyal na tao. Mga espesyal na tao na nagtataglay ng iba't ibang uri ng kapangyarihan.
Ang mundo ng Crown Realm ay nahahati sa apat na pangkat.
Heart, Diamond, Spade at Club.
At sa bawa't pangkat ay may hierarchy system na nabuo. Tinatawag naman itong— The Nobles, The Full Blood, The Half-Blood at The Gifted.
Lahat ng pangkat o grupo ay may kanya kanyang trabaho upang panatiliing nabubuhay ang kanilang mundo. Importante ang bawa't isa kung kaya't mahigpit na pinagbabawalan ang pagtatalo sa kapwa tao.
Ngunit likas rin sa kanila ang magkaruon ng mga troublemakers o mga taong naghahangad pa ng mga bagay na hindi naman dapat.
Kung kaya't dito magsisimula ang kwento ng babaeng nagngnangalang Emilia Whitstar at ang kanyang sikreto.
★
A/N: This story is renamed to Crown Heart because idk? Joke. Lemme know what you guys think and kung mas okay ba 'to compared sa dati.
P.S: This isn't a chapter chapter, more like an info chapter? Story should start at the next update. Stay magical~— Athena
BINABASA MO ANG
Crown Heart | Taglish | Daily Updates | NEW VERSION
FantasyPREVIOUSLY TITLED: MONSTER UNIVERSITY Are you ready to enter the school that everybody has been dying to enroll? If so, today is your lucky day because we are now currently open for enrollment! Read for more details. Highest Rank Achieved: #91 (11/2...