Chapter One | The Start

244 13 15
                                    

Crown Heart
˚✧₊⁎ Ch. 1 | The Start⁎⁺˳✧༚

Time should've taught me the lesson
Went lookin' for a sign, but instead I got a message
— side effects | the chainsmokers ft. emily warren



"Isa, ipikit ang iyong mga mata. Dalawa, umikot habang humihiling. Tatlo, imulat at andiyan na ang iyong pinaka-mimithiin."

Ngunit ng imulat ko ang aking mga mata ay tila para parin akong nasa isang hindi magandang panaginip.

Wala ka pa rin sa aking tabi at tila isa ka pa ring mapait na alaala.

"EMILIA!"

Tumalikod ako at nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Shirakazi Yiera. Itinaas ko ang aking kamay upang sabihin na maghintay siya ng saglit.

Tumango naman siya at nagthumbs up.

Bumalik ako sa malaking puno at huminga ng malalim bago pumikit at nagdasal ng taimtim.

"Ilang taon na ang nakalipas sana mapatawad mo ako, miss na miss na kita."

Sabay kaming naglakad papasok sa Casa Whitstar. Napatingin ako kay Shira at abala siya sa kanyang bracelet. Napangiti ako.

Naalala ko kung paano kami nagkakilala. Dahil sa isang formal event na hosted ng mga nobles nuon. Kung iisipin ay matagal na itong nangyari ngunit tila parang kahapon lamang.

Naalala ko na bagot na bagot ako nung event na yuon marahil ang nakaka-appreciate lang naman sa ganung event ay ang mga matatanda. Kesyo para daw sa amin upang kilalalin ang isa't isa dahil kami ang future na henerasyon— ngunit all of us knew that it was just a front.

Para talaga sa kanila yuon na may sari-sariling hangad.

Hangarin upang ipagkisa ang pamilya through arranged marriage, o 'di kaya'y tungkol sa pagpapalago ng business.

Ang pamumuhay namin dito sa Crown Realm ay para ring tulad ng human world. Ang kakaibahan lang siguro ay mas nakaangat kami dahil sa advanced na teknolohiya at kapangyarihan namin.

"Miss Emila? Miss Emilia!" Through my advanced hearing narinig ko ang boses ng aking nanny. Akala ko natakasan ko na siya.

Dinampot ko ang aking mahabang gown at nagsimulang maglakad papalayo. I didn't dare run dahil alam kong maalerto ang mga body guards namin kung kaya't mas maigi na lang na maging mailap.

At duon ko nakilala si Shira. Dahil habang iniisip ko ang aking escape route nuon ay nakabungguan ko siya. Muntik ko na ngang mahulog ang kinakain niyang dessert. Kaso bago ako makapag-sorry ay nagtago ako sa likod ng vase malapit sa kanya.

Dumating bigla ang mga guards at nilapitan siya. Akala ko nung una ay galit siya sa akin at ilalaglag ako ngunit ng tinanong siya kung may nakita ba siyang batang babae ay imbis na ibuking ako itinuro niya ang opposite na direksyon kung nasaan ako.

Mukha namang hindi naniwala ang guards kung kaya't minabuti nilang tanungin ulit ito ngunit tumalikod na si Shira. Kaya nainis ang isa sa kanila at hinila siya papaharap kung kaya't eto ang naging dahilan upang mahulog ang kanyang cake.

Crown Heart | Taglish | Daily Updates | NEW VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon