Chapter ll : Encountering the Monster
Pagharap ko sa may entrance door. Nakita ko ang tinitilian nila.
ISANG DOSENANG ADONIS!!!!
Pagtingin ko naman sa mga kasama ko. Parang wala lang sa kanila.
Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanila. Nagulat ako ng mapansing papalapit sila sa pwesto namin o baka nag aasume lang ako? Huminto sila sa harap ng table namin. Yung isa umupo na sa katabing table namin.
"Hi girls. Mind to introduce us with your new friend?" tanong ng lalaking naka stripes t-shirt.
"Tss. Boys this is Andi. Andi si Luke." bored na sabi ni Patrice. Medyo hawig sila.
"H-Hello. "
"Nice meeting you" sabay alok ng kamay nito. Tinanggap ko naman yun, akala ko shake hands ang gagawin niya. Nagulat na lang ako ng halikan nito ang likod ng kamay ko.
Binawi ko naman ito agad.
" Hi !! Im Evo"
"Kent " "Brent" halos sabay na sabi nila, kambal ba mga to?
"Wag ka na magtaka, kambal sila . Im Sebastian"
"Harry "
"Raver"
"Ian "
"Jayvee"
"Jared"
"At ang pinaka gwapo!! " ngumiti lang ako bilang sagot.
Okay? Ang dami nila. Pero wait. Hindi ko kilala yung naka upo? Sinilip ko sya kaso busy sa pagkalikot sa IPhone niya.
Mukhang napansin nilang tinitignan ko sya kaya sila na ang nagpakilala.
" Oh! siya naman si Kurt. Kurt Sebastian Dawson" pakilala ni Evo .Wait!!! DAWSON?
"Dawson?!" kunot noong tanong ko.
"Yeah Andi. Anak siya ng may ari ng school" paliwanag ni Dara. Tumango tango lang ako.
Nagpunta na silang counter at nag order.
Ilang saglit pa , nag ring narin ang bell. Pumunta na kami sa kanya kanyang klase. Nang makarating ng room ay umupo na kami.
" Patrice, kapatid mo ba si Luke?" tanong ko.
"Yeah . Malas ko no?" kaya naman pala.
Umayos na kami ng upo dahil dumating na yung prof. namin .
BINABASA MO ANG
Tutoring the Monster
General FictionMay offer sayo ang may ari ng school na pinapasukan mo. Tatanggapin mo ba o hindi?