Chapter lll : Lipat Apartment
Dalidali akong tumakbo papuntang parking. Shiit!!! Kakahiya!! Ang assuming naman kasi!! Akala ko talaga hahalikan na ako eh. AISSSSSSHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!
Pagdating ko ng parking, nakita ko na sina Dara. Mukhang naiinip na kaya lumapit ako sa kanila.
"Girls sorry natagalan" hingnging paumanhin ko.
"Okay lang. Tara na?" sagot naman ni Dara.
Tumango na lang ako at sumakay na ng kotse nila. Isa lang kasi ginagamit nila para daw tipid sa gas.\
"Andi san apartment mo?" tanong ni Patrice. Siya kasi ang nagdi-drive.
Ganito arrangement namin.
Front seat : Patrice -- Venice
Back seat: Dara -- Ako
"Sa may TabingIlog Street." "Ngayon na ba ako lilipat?"
"Oo . Kukuha lang tayo ng mga damit mo tapos sa Saturday na lang yng mga gamit mong iba" sagot ni Dara.
"Okay" sumandal na lang ako sa upuan at tumingin sa bintana.
Wala akong trabaho ngayon kaya makakapag ayos kami ng mga gamit. Nang makarating na sa apartment ay nag umpisa na kaming mag tupi ng mga damit ko at nilagay sa mga luggage. Pagkatapos ay bumaba na kami at umuwi sa bago kong titirahan.
"Dito ang magiging room mo. Magkakatapat ang mga kwarto natin. Katabi ng room mo yung kay Venice, sa tapat mo naman yung kay Patrice at sa left yung akin" paliwanag ni Dara.
Kakatapos lang kasi naming mag ayos ng mga gamit ko at kumain. Nandito kami ngayon sa sala.
"Nga pala , sino nga pala yung mga lalaki kanina sa cafe? Sikat ba talaga sila para tilian?" tanong ko sa kanila. Curious ako eh.
" Mga gangsters yun. At oo sikat sila. SUPER SIKAT!!! Lalo na si Kurt? Ay naku!! Palibhasa mga playboy!!! Tsk!! " sagot ni Venice. Gangsters? Akala ko sa mga stories lang yun. Totoo palag meron?
" Pero bakit yung mga lalaki kanina? Yumuyuko ng dumating na sila Kurt?"
BINABASA MO ANG
Tutoring the Monster
General FictionMay offer sayo ang may ari ng school na pinapasukan mo. Tatanggapin mo ba o hindi?