AF 1

11 0 0
                                    

Rainy Early Morning~

Nasa waiting shed ako upang mag abang ng masasakyan. Halos siksikan at puno na kadalasan ang mga jeepney. Paunahan nalang. First come,first serve.

"Ale. Usog ka muna sandali sa kabila dahil nababasa nako kanena pa." Paki usap ng babaeng nakayakap sa sarili. Halatang giniginaw na.

"Aba! Tumigil ka diyan iha. Marunong kang makuntento diyan. Yung iba nga dyan ay wala ng space at halos nababasa na ng ulan." Taas tono na sinasabi ng ale.

"Parang awa niyo na po. Nilalagnat po ako at kailangan ko pa pong mag take ng exam." Tinititigan ko siya dahil half sa kanyang katawan ay basang basa na.

"Miss. Palit nalang tayo. Ako na diyan. Good Luck sa exam mo. Pagbutihan mo." Nakangiting tugon niya at pangalawang beses pa siyang nagpapasalamat sakin.

Ilang saglit nalang ay may jeep na dumating at ang mga tao ay dali daling puwesto sa upuan ngunit may mga matatanda ding pinapauna ko. Tumingin ako sa kabilang direksyon dahil may napansin ako na may  isang babaeng nagmamadali ding makahabol. Paakyat na sana ako nang nahawakan niya ang kamay ko habang hinihingal at nagkatinginan kami.

This girl looks familiar~

"Kuya pogi. Baka naman po ay manghihingi ako ng advance sorry pero kasi nagmamadali ako dahil may thesis defense kami." Tinitignan ko pa din ang kamay niya at hinablot niya kaagad ito. Yumuko ito at tila nahihiya sa ginawa.

"Malelate na din ako sa first class ko miss. Same lang tayo na naghahabol masasakyan." Konting pasensya lang miss.

"Kuya. Please! I'm begging you." Magsasalita pa sana ako ng nagsalita na ang driver.

"Oh kayong dalawa diyan? Di paba kayo sasakay? Damayan naba ito? Late na ang iba oh" Tinitignan na kami ng masama.

"Go ahead. Make sure that worth it lahat ng effort ng paghahabol mo sa jeepney."  Naka ngiti lang siya at biglang naglahad ng kamay..

"I'm Clarisse. Baka ikaw na yung lalaking magiging  kokompleto sa puso kung nag iisa lagi na walang kasama"  Aba ayos din tong babae. May pagkapilya din.

"I'm Adrianneeeee." Magshshake shands pa sana kami ngunit sinita na naman kami ng driver kaya puwesto na siya sa may likuran ng driver. Pinaharurot na kaagad ng driver.


"Alam mu ba may mga ibang bagay na hindi talaga coincidence lang? Sadyang yung tadhana na talaga ang nag arrange kung sinong mga tao ang makakasalamuha mo at may iba ding tao na pagtatagpuin talaga ng tadhana." Napatingin ako sa may likuran ko dahil may biglang nagsalita na hindi familiar sakin ang boses. Halos lumundag ako sa kaba. Nagtetext pa naman ako para makasakay na sa uber.

"Nay, Magsabi naman po kayo hindi yung pasulpot sulpot lang kayo." Tinititigan ko ng maigi ang nasa likuran ko ngunit hindi ko ito kakilala.

"Iho. Ito na siguro ang panahon na tuluyang mababago ang kapalaran mo. May isang pagtatagpong hinding hindi mo maiiwasan. Aantukin ka lang pero paggising mo iba na ang kapalaran mo. Pahalagahan mo kung ano ang meron ka ngayon. Hindi sa lahat ng panahon ay nandiyan siya. Walang permanent dito sa mundo. Pagtatagpuin nga kayo pero hindi mo nasisigurado kung kayo talaga sa huli." Parang may gustong iparating si lola sakin ngunit hindi ko alam kung ano.

Sumang-ayon nalang ako kay lola dahil nandito naman din ang Uber at pinasama ko nalang siya sakin.


  "Kuya, ikaw na bahala kay lola. Ihatid mo nalang siya kung saan ang paroroonan ni lola." Ngumiti ako sa driver at naglahad ng pera.  

"Maraming salamat iho. Naway mahanap muna yung taong palagi mung hinahanap. Nakilala mu na siya pero hindi mo lang napansin." Napatingin ulit ako kay lola habang bumababa ako ng uber sa tapat ng school.

Altered FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon