AF 2

8 0 0
                                    

Nakikita ko ang isang binibini na nasa harapan ko na nakatingin na tila'y natatakot na mawala ako "Binibini, ikalulugod sa kaibutiran ng aking puso na ikaw lamang ang una't huling babaeng makakapiling ko habang buhay."  Nasabi ko lang ng hindi ko namamalayan at napatingin ako sa isang nakakabit na karatola na may nakasulat na Fort Malcanan. Nasa pinakatagong bahagi na minsan lang ang mga taong dadaan.

"Wag kang mag-aalala Ginoo sapagkat hindi na magbabago pa ang nilalaman ng aking puso. Sa bawat oras na kapiling ka ay tila humihinto ito ng kusa." Mga salitang kay sarap pakinggan sa tenga. Mga buhok na nililipad ng simoy ng hangin.

"Sa pag-iibigang ito ay hindi na magbabago magpakailanman." Humalik at sumandal siya sa akin at pumikit na. 

~

Nagising nalang ako ng kusa at iniisip ko pa din ang mga napapaginipan ko. Ang gaan ng loob ko sa paggising. Mga panaginip na kay sarap ulit-ulitin. Mga salitang hindi ko akalain na masasabi ko sa isang babae sa isang panaginip.Napatingin ulit ako sa paligid at gabi na pala. Ang dali lang ng oras parang isang oras lang akong napadpad dito. 

Dalawang magkaibang panaginip ang napaginipan ko. Magkaibang lugar man pero iisang tao pa din.Mga sinaunang kasuotan ng mga tao ang nakikita ko. Isang lalaki kamukha ko at isang babaeng hindi ko tanda ang mukha. Isang panaginip na paglisan at isang pag-iibigang kay tamis tulad ng isang asukal. 

Napatingin ulit ako sa isang lumang mansion na halatang napapabayaan na ng ilang dekada. Parang nakapunta na ako dito ngunit hindi ko alam kong kailan at sino ang kasama ko. Hindi pangkaraniwan ang pagpapasyal dito. Sa tingin ko ay nakapunta na ako dito noong bata pa ako.

Bumalik na ako sa amin at nagluto ng pagkaing madali lang lutuin. Mga gulay lang kinakain ko. Hindi naman ko vegetarian but mahilig ako nito since bata pa. Kakaiba ang appeal sakin. Parang niluto na ito ng isang tao na hindi ko na maaalala pa. Nakakalungkot isiping natatakam ako sa mga lutong iyon. 

Busog na ako at nilalagay kona lahat ng mga gamit ko sa maleta. Parang pinapalayas na ako sa aming bahay. Tsk. Nanood ako ng tv at may nakitang cooking show. Tatayo na sana ako para kumuha ng maiinom na tubig ng makita ko ang isang recipe ng isang vegetarian chief. Isang A La Gulaya de Klarissa recipe ko na familiar sa akin. Baka paboritong lutuin ito ni Mom.

 Naaalala ko na naman si Mom. I am the youngest child of my 4 sisters. Hindi nagkulang ng pagmamahal ang mga kapatid kong babae sa akin kahit wala na si mama. Ibinuhos ni papa ang lahat sa pag tatrabaho that's why minsan ko lang siyang makita o makita sa bahay. 

Nakakalungkot ang isang buong pamilya na masaya lagi noon ay wala na. Yung isa kong ate ay may sarili ng pamilya ngunit yung dalawa kong ate ay pinili pang maging single dahil sa mga responsibilidad at gusto nilang matulungan si dad.

Naaalala ko noong bata ako ay palagi akong karga ni mama at parating sinasabihan na kamukhang kamukha ko daw yung lalaking napapaginipan niya lagi. Hindi ko alam pero weird dahil hindi naman ako naniniwala sa mga ganung bagay. Marami pang ibang pangyayaring na hindi kailanman maiaalis sa aking isipan. Hindi ko namalayan na unti unti na pala akong dinadalaw ng antok.


"Alam mo ba may isang tala Ginoo na babagsak dito sa Yligan Ginoo?" Napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa rin inaalis ang mga mata kong katulad ng pandikit.

"Maaari mo bang ibahagi sakin iyang tungkol diyan Binibini?" Nandito na naman sa pinakatagong bahagi ng Fort Malcanan. Kinuha ko ang dinala niyang mga prutas at binalatan ko ang mga ito. Gumagabi na, heto pa din kami sinusulit ang mga oras habang kami pa'y magkasama.

"Ang sabi sa akin ni ina na kada Limampu't limang dekada ang lilipas ay magkakaroon ng isang tala na hindi pangkaraniwan. Maaari kang humiling na kung ano man ang kagustuhan mo. Ngunit iilang tao lang ang makakahiling dito. Yung mga tao lang na may sunog na marka sa balat o susugatan mo ang sarili mo pag nakita mo na ang tala. Kumikinang ito na halos pipikit kana sa kinang nito." Pahayag niya pa at itinuturo ang kalangitan na gumagabi na.

"Binibini hindi ko man maipangako na mabubuhay ng matagal ngunit aasahan mo na mahahanap pa din natin ang isat isa." Hinalikan ko ang kanyang kamay na kay lambot na parang unan. Isang katahimikan ang bumasag nito ng may narinig kaming iilang hakbang patungo sa aking pwesto.


"SINONG  NANDIYAN? " Bakit natunton nila ang tagong lugar na ito? Hindi maaaring makita kami ni Binibini.

"AKO LANG NAMAN ANG NANDITO. NAGPAPAHANGIN LANG AKO."  Palusot kong sabi. Nagpakita kaagad ako at nilapitan ang mga gwardya.

"Ngunit may narinig kaming kaluskos at mga boses na nagmula diyan sa likuran mo.. Hindi namin makita dahil napakadilim." Napatingin ako sa mga ito na hindi magpapahalata na kabado.

"Wag niyo ng pag aksayahan ng panahon si Ginoo. Marami pa ang inuutos satin ng Gobernador-general." - Mabuti nalang at may umabot na gwardya sibil at umalis na sila. 

Pinalabas at inaalayan ko ang binibini. Ngunit hindi ko inaasahan na may babalik na dalawang gwardya sibil sa aming kinalalagyan.

"Anong kataksilan ang ginawa niyong dalawa? Hindi ba't pinagbabawalan ka na ng ama mo binibini na hindi makikipagkita sa lalaki lalo na't ikakasal kana?" Pasigaw na sabi ng isang gwardyang sibil. Itinago ko ang binibini sa likod ko.

"Tama ang hinala kong may kakaibang nangyayari dito. May gana pa talaga kayong gumawa ng kalapastangan. Dakpin ang mga yan." Hinarang ko ang kamay ko. 

"Walang sino man ang hahadlang sa pag-iibigan naming dalawa ni binibini." Nilagay ko ang aking mga kamay sa baywang niya at pinadama na magtiwala lang sa akin.

"Tignan natin kung ano nalang ang magiging reaksyon ng iyong ama sa pinaggagawa mo. Lalo mong sinisira ang imahe niyo. Maswerte ka at yung palayan lang ang nasunog sa inyo baka ngayon ay ipapatapon na kayo sa malayong lugar." Nagtatawanang mga gwardyang sibil.

"TAMA NA-----" Inis na sigaw ni binibini.

"Tumigil ka binibini para hindi ka madamay dito. Kung ayaw mong pati ikaw ay paparusahan ng kamatayan ng Gobernador-general. Wag mu nang dagdagan ang problema ng pamilya mo binibini." Halakhak nito na nakakairita sa pandinig. Pinaatras ko ang binibini upang hudyat na patakasin ito mula sa likuran ko.

Tatlong hakbang palang ni binibini ay naunahan na  ito ng isang putok ng baril na nagmula sa harapan ko. Napatingin kaagad ako kay binibini na ngayon ay puno na ng dugo ang katawan. Unti unting nang hihina ang kanyang katawan at babagsak na sana ito mabuti nalang at nasalo ko ito. Isang Ginoo na hindi mapigilang umibig ay sya palang sanhi ng kamatayan ng mahal sa buhay.

"Ginoo. Kung hindi ko man makakayanan ang paghinga nais ko lang sabihin sayo na itong mga nagdaang araw ay labis mo akong pinasasaya ng lubos. Yung mga pagkakataong  malaki ang pagkukulang mo sa akin at sa mga panahong hindi kita nakapiling. Lubos na nagagalak ang aking sarili na ikaw ang taong bumihag sa aking puso na hindi ko inaasahan na tatalab pa pala ang aking karisma." Sapilitang pagsasalita kahit kapos na sa hininga. Agos ng mga luha'y hindi napipigilan.

"Binibini. Wag kang magsalita ng ganyan sapagkat tayo pay magkakapamilya at mamumuhay ng tahimik. " Hinaplos niya ang aking mukha at "Ginoo, yung tinutukoy ko sa iyo na tala ay ngayon ang kada Limampu't limang dekada nito. Baguhin mu ulit ang pahina ng ating pag-iibigan at muling isulat sa libro ng tadhana. Alam kong mababago mo pa ang lahat. Tadhana'y kay lupit at mapaglaro. Paalam Ginoo. Hanggang sa muli....."


"HINDIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII." Mga pighating hindi kona napigilan pa. Ang mga luha'y tuloy parin ang pag-agos. Napakasakit makita na ang mahal mo ay tuluyan ng nalalagutan ng hininga. Tinignan ko ang mga gwardyang sibil na tila'y nasisiyahan sa mga nakikita. Kinuha ko ang kutsilyong pinagbabalatan ko ng prutas. Sinaksak ko ito sa aking mga braso at tsaka sa puso. Napatingin ako sa langit ng may dumaan na nakakasilaw na tala. Hindi nagtagal ay nagdilim na ang aking mga paningin.


Binibini.. Sa panahon ng hinaharap.. Babalikan ko ulit ang ating pag-iibigan at babago ang nakasaad sa libro ng itinadhana...




~~~

Note: Sorry po. Nadelayed lang ang update. Been very busy to school lately. Maiintindihan niyo po sana.


Altered FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon