Swimming

33 2 0
                                    

Sally's Pov

Haaaaay ! Ang tagal ko makatulog. Aish. Bakit ba kasi ako umamin kanina na gusto ko si Kris ?! Ay, ang tanga ko !

*toot*

May nag text ! Sino kaya 'to ? Hmmm... Alas dose na ah.

Tinignan ko 'yung screen..... si Kris lang pa-- Wait ?! OMG ! Si Kris nga. Aaaaaaaahhhhh. Ano kayang tinext niya ? Sana group message lang 'to, ay hindi pala niya hobby ang mag GM (group message).

Babasahin ko ba ?

Ay ! Sige na nga.

Loading. Opening message...

"May gusto ka pala sa akin ah ;)" text niya. Ah, inaasar na naman ako. Ugh ! Ma replyan nga.

"Hoy ! Ang kapal mo ! Hindi ah." reply ko sa text niya.

"Eh ba't mo sinabi kanina na ako type mo?" reply niya.

"Tss. Napilitan lang -.- Tulog na ako. BAD mornight -____- sira na ang mornight ko ng dahil sa'yo. Hmp!" reply ko naman.

"Ok. Sabi mo eh. GOOD mornight. Dream of me." reply niya naman.

Psh. May pa 'dream of me-dream of me' pa siyang nalalaman. Hindi ko na siya nireplyan, baka hahaba pa ang pagtetext namin. Haaaay ! Makatulog na nga lang.

*Kinabukasan*

o.-

-.o

o.o

Good morning, sunshine ! Aaaaaaahhhh. Tiningnan ko muna 'yung katabi ko, ayun ! Tulog mantika -.-

At eto ang role ko, na gisingin siya. Author naman eh. Ba't ganito na ang role ko kung magkatabi kami ni Jane? Tagagising lang ako eh.

"Jaaaaaneeee. Gising na, huy !" sabi ko at inaalog siya.

"Hmmmm. Mamaya na."

"Hooy ! Bahala ka diyan, iiwan ka namin. Babalik na kami sa resort."

"Sige. Mauna na kayo. Haaay." sabi niya. Aba ! Gusto niya talagang maiwan.

"Jane, gising na nga diyan. Magsi-swimming na tayo." ako.

"Aish. Eto na." sabi niya at dali-daling bumangon. 'Yan naman pala eh. Gigising naman pala, pakipot pa.

"Tara na nga. Naghihintay na sila sa labas." sabi ko at nag-ayos na kami ng mga kagamitan namin.

Lumabas na rin kami. Niligpit na rin namin 'yung mga tents.

Eto kami ngayon, naglalakad pabalik sa resort.

After 5284629462 years sa paglalakbay. Dumating na kami. Nagpahinga muna kami dito ni Jane sa kwarto namin. Pati din sila Mavy at mga Black Ace pero dun lang sila sa kwarto nila.

"Haaaay. Nakakapagod mag lakad, Sally." sabi ni Jane.

"Oo nga eh. Hirap mo pa naman gisingin." sagot ko. Umirap lang siya at nag roll eyes. Hahahaha, ang bad talaga nito.

"Oo nga pala. Mag swimming daw tayo mamaya." sabi ko.

"TALAGA ?! Kyaaaaaaaaaahhh!" sigaw niya. Nubayan ! Makasigaw, wagas!

"Grabe ka ha ! Makasigaw, parang wala ng bukas." sabi ko sabay binatukan siya.

"Araaay ! What's that for?!" sabi niya este sigaw na naman.

"Para matauhan ka ! Mamaya pa tayo mag swimming noh ! Excited ka masyado eh." sagot ko. Nag roll eyes lang siya sa akin.

"Tara na sa labas. Kain na tayo. Gutom na ako." sabi niya.

I'm Inlove With A Playboy/GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon