Limit

41 6 2
                                    

Hanggang saan nga ba kasi ang limit?
Bakit ang hirap kapain kung nasa limit ka na ba o malayo pa o lumagpas na pala
Sobra-sobra na ba ang binigay kong pagmamahal o kulang pa?
Wala na ba akong tinira sa sarili ko o kailangan ko pang magbigay?
Ano? Wala bang makakasagot?

Kasi ang hirap naman eh
Ang hirap kapain ng limit
Ang hirap kapain kung nasa tama pa ba ako
Ang hirap tantiyahin kung sakto lang ang pagbibigay ko
Kasi bakit parang kahit anong gawin ko, nasisira ako?
Kung hindi sobra, minsan kulang naman.
Kailan ba ako sasakto? Kailan ba ako mapupunta sa lugar kung saan hindi aabot sa limit ko?
Paano bang gawin iyon? Paano bang lumayo sa guhit ng sakit?
Pakituro naman, kasi hirap na akong mangapa.
Ang dilim dilim.

Wala akong ibang makita kundi ang pagmamahal ko sa kaniya
At kung hindi pagmamahal ko sa kaniya, pagmamahal ko sa aking sarili.
Kailan ba magiging pantay lang?
Kailan ko ba mababalanse ang sarili ko at ikaw?
Dahil pagod na pagod ako sa paulit-ulit na pagkakamali
Pagod na ako sa paulit ulit na sakit
Sana matutunan ko rin,
Kung paanong magbigay nang sakto lang

○~●~○

One of my favorites! ♡

Real Life PoetryWhere stories live. Discover now