Chapter 1: PAIN

4 0 0
                                    

DiAnA PoV

Papasok na kami ni jacob sa school. Medyo nag mamadali kami dahil late na kami . Tinapos pa kasi namin ang aming ibang project at assingment. Kaya late na kami nagising .

Habang naglalakad kami sa corridor ni jacob halos wala ng studyanteng pagala-gala kung saan-saan . Nag paalam na ko kay jacob dahil una yung room ko . Bago ako pumasok ay malalim akong bumugtong hininga dahil alam ko na ang mangyayari.

" garcia your late. Halos patapos na ang klase butit pumasok kapa . Pasok na para makahabol ka . Kahit huli pa ." Sabi nI ma'am lina sakin . nakalimutan ko na sya ang first sub namen mabait sya di kagaya ni ma'am vangie.

Pumasok na ko sa loob at ramdam ko ang titig nila sakin mula ulo hanggang paa na parang sinasabing .stupid,walang kwenta.

Nakahinga na ako  ng maluwag ng makakaupo na ako sa pwesto ko . At dahil sa hindi ko inaasahang pag kakataon biglang nawala yung upuan ko . Ibig sabihin hinila ng kaklase ko Ang arm chair ko kaya nasaldak ako at napa aray sa sakit na naramdaman sa aking pwetan .bigla namang nag tawanan ang mga kaklase ko ng malakas at ni wala man lang tumulong sakin sa pagtayo o mag angat sakin.

Pinigilan ko ang namumuong luha sa mata hindi dahil sa pang bubully kundi dahil sa sakit ng pag kakabagsak sa ko . Agad na lumapit si ma'am lina.

" garcia ayos kalang" tanong ni ma'am lina at agad akong tinayo ng dahan - dahan . Dahil sa pag kakabagsak ko ay kumikirot ang pwetan ko. Halos di ako makatayo dahil sobrang sakit talaga .
Nang makahuma ay tinanong ako ni ma'am kung gusto kong pumunta ng clinic .sabi ko naman  wag na at magiging ayos din ako . Nag patuloy ang klase hanggang sa uwian  na . Ramdam ko ang kirot sa aking pwetan .

Ng malapit na si jacob sa akin ay agad akong tumayo ng tuwid para di nya mahalata ang sakit na dinaramdam ko .

Umuwi kami sa bahay namin at ramdam ko ang bigat ng katawan ko ng hapong iyon pero isinawalang bahala ko nalang .bumili ako ng gamot na biogesic tablet at ininom iyon.

" may sakit ka.??" tanong ni jacob sa akin . Sabay lagay ng kanyang kamay sa. Noo ko at para tignan kung may sakit nga talaga ako ..
" okay lang ako " sabi ko.
" di ka okay . Taas ng lagnat mo oh" sagot nya sakin .. parang di ko naman ramdam.
Nag pahinga na kami ni jacob at natulog .agad akong nakatulog dahil  sa sama ng pakiramdam .

Bandang alas  dose ng gabi ay naalimpungatan ako dahil nauuhaw ako . Nang tumayo ako ay ramdam na ramdam ko ang pag halilo ko na parang umiikot ang buong paligid ko . Kasabay pa nito ay ang lamig na aking nararamdaman . Dahil sa matinding hilo na aking naramdaman . Agad akong bumagsak sa papag .naramdaam
Ko si jacob na biglang nagising dahil sa galaw na naramdaman sa papag .
Napatayo siya sa gulat ng bumulagta ako sa papag.

" Ana ..anong nangyari sayo " tanong niya sakin na puno ng pag ala-lala .
" .. t-tubig ..j-jacob " sabi ko sakanya dahil ramdam ko ang tuyo ko lalamunan. Inayos nya ko sa pag kakahiga at sabay sabing kukuha lang siya bng tubig sandali . At pag balik nya may dala syang isang basong tubig at pina inom ako .

halos masamid ako dahil sa uhaw na lalamunan ko . Isang lagok ko lang ang baso .
" dahan - dahan lang Ana" sambit ni jacob .
" sandali lang ah . Kukuha lang ako ng pamunas mo . " sabi ni jacob sabay alis at pumunta sa kusina .

Pag balik nya may dala na itong planggana na may bimpo at tubig na malamig . At dahil hindi ako makatayo dahil may pilay ata ako nakahiga nya akong pinunasan.

Laking pasalamat ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni jacob . Maalagain , matulungin , maaalahanin at higit sa lahat napaka buting tao.

A BEATIFUL REVENGEWhere stories live. Discover now