RT #1: Paano

1 0 0
                                    

"Huy", sinabi ko sakanya

"Hmmm", sabi niya. Mukhang antok na antok siya ngayon ah

"Paano kung naging tayo? Ineexpect kaya nila na maging tayo?", sabi ko

"Pwede lang siguro. Tignan mo kaya yung itsura natin ngaypn. Para tayong magjowa na hindi. Naintindihan mo? Hahaha", sabi niya sabay tawa. Ang cute nung tawa niya. Pwede kong pakinggan buong araw

Tinignan ko yung itsura namin. Humihiga kami at nagcu-cuddle lang. I could stay like this for the whole day and not get tired. Ako yung big spoon at siya yung small spoon

"Uhm may sasabihin pala ako sayo", sabi niya. Tumigil ang kanyang tawa at napatingin siya ng malalim sa aking mga mata. Ang ganda ng mata niya

"Ano naman yun?", sabi ko at inilagay ko ang kanyang side hair sa likod ng kanyang tainga

Huminga siya ng malalim at biglang sinabi

"P-pano kung sasabihin kong crush kita? Anong magiging reaction mo?". Napatingin ako sa kanya at napangiti

"Pano kung sasabihin kong crush rin kita. Anong reaction mo?", sabi ko sa kanya at tumawa

"Panaginip ba to?", sabi niya sa akin

"Hawakan mo kamay ko at ikaw na bahala na malaman kung panaginip to", sabi ko at napangiti ng malaki nung hinawakan niya ang aking kamay at tinago ang kanyang mukha sa kumot, hindi parin binibitawan ang aking kamay

"So pwede ba maging tayo?", sabi ko sakanya at hinigpit ko ang hawak ko sa kanya

"Siyempre naman. Hahaha", tinawa niya nalang yun.

"Bakit mo tinatago mukha mo? Sa mukha mong yan tinatago mo. Tanggalin mo ang kumot sa mukha mo", sabi ko sa kanya

"Bakit naman?", tanong niya sa akin

"Sige. Kung mahal mo ako, tanggalin mo yang kumot sa mukha mo", sabi ko sakanya at nanlaking ngiti

"Sige na nga. Yan masaya ka na?", sabi niya at tinanggal ang kumot

"Tignan mo. Mahal mo nga ako", sabi ko at kiniss ko ang cheeks niya. Nakita kong nagred ang cheeks niya at itinago niya nalang ang kanyang mukha sa aking dibdib

Ang cute niya talaga

"Alam mo ang cute mo", sabi ko sa kanya. Kahit na hindi ko nakita ang kanyang mukha ay alam kong mas lalong nagblu-blush siya

"So t-tayo na ba?", sabi niya at tinanggal ang kanyang mukha sa aking dibdib

"Oo. Bakit ayaw mo?", sabi ko

"H-hindi ah. Masyado lang akong masaya", sabi niya at naging normal ang pagtitibok ng kanyang puso

"Ah ganun. Sige matulog na tayo...maaga pa tayo bukas. Goodnight, babe", sabi ko at tinago ulit ang kanyang mukha

"Ok. Goodnight, babe", sabi niya

"Wala manlang goodnight kiss?", sabi ko at nag-pout

"Siyempre meron. Maghintay ka kasi ah", sabi niya at kiniss niya ako sa cheeks

"Yieee kilig si ako", sabi ko

"Matulog ka na nga", aniya at tumawa lang siya

Hinintay ko siyang matulog at naramdaman kong bumigat ang aking mga mata kaya natulog na rin ako

🦋

So ito ang RT 1. Sana nagustuhan ninyo

Don't forget to vote, comment, and share. Thanks😁

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now