Ang pamilya ay ang pinakamaliit na yunit ng ating pamayanan. Dito sa ating mundo ipinanganak tayo na walang ka malay-malay ngunit binigyan tayo ng Diyos ng mga taong handa tayong mahalin, alagaan, mag sakripisyo, handang ibigay ang lahat ng kung anong meron sila, at mag disiplina upang tayo’y lumaki nang maayos at may takot sa Panginoong Diyos. Ang aking pamilya ang taong unang nag padama sa akin ng pagmamahal at nagmulat sa akin sa salitang pag-ibig. Ang aking pamilya ang kasama ko sa unang iyak, unang saya, unang hakbang, unang salita, unang sakit at ang aking pamilya ang una’t huling taong aking masasandalan. Hindi mapapantayan ang saya na nadama nila noong dumating tayo sa buhay nila. Ang aking pamilya ang aking inspirasyon, sila ang nag hubog sa aking pagkatao bilang isang mabuting tao at responsableng anak sa aking mga magulang. May pitong meyembro ang aking pamilya binuo ito ng aking inang dakila at ng aking amang malakas. Ang aking inang dakila na siyang nag aruga sa amin mula noong kami ay maliliit pa. Siya ay dakila saludo ako sa kanya sa kabila nang maagang pagkawala ng aming ama napalaki niya kami ng disiplinado at may takot sa Panginoong Diyos. Sinundan ito ng aking nakakatandang kapatid na magalang at aking nag iisang babaeng kapatid na maganda. Ang aking mga kapatid ang tumutulong sa akin kapag ako'y may mga problema at mga pangangailangan sa paaralan. Ang pamilya ay ang pinaka mahalagang bagay na ineregalo sa atin sang ating Panginoong Diyos, sila ang kasama natin sa bawat landas na ating tatahakin, kasama sa lahat ng problemang kinakaharap, basta't buo ang pamilya hindi ito matitibag ng anumang pagsubok at problemang darating, sa kanila tayo humugot ng lakas sa araw-araw nating kinakaharap. Sa tulong ng aking pamilya natutunan kong makibagay at makihalubilo sa mga iba't ibang klaseng tao, sila ang nagturo sa akin kung paano rumespeto sa mga taong aking nakikilala. Ipinakita nila kung gaano ka halaga ang pamamahalan sa bawat isa. Sa pamilya nag simula ang ang lahat, lahat ng mga mabuting gawain at mga bagay na sa kanila lang mismo natin matutunan. Ang aking pamilya ay nag tutulungan sa lahat ng gawain o problema hindi man kompleto ang aking pamilya dahil sa maagang pagkawala ng aking amang malakas nananatili paring buo ito sa puso namin magpakailanman. Ang pamilya ang pinkamahalagang parte ng aking buhay. Ang pamilya, isang simpleng salita ngunit ang kahulugan nito ay napakahalaga, hindi tayo nabubuhay kapag wala tayong pamilya kung walang inang nagluwal sa atin sa mundong ito. Ikaw, kung iniisip mo na ikaw ay walang pamilya, nagkakamali ka. Ang taong nagmamahal sayo ang siyang maituturing mong pamilya. Hindi man perpekto ngunit kaya kang tanggapin at ipaglaban sa lahat ng bagay. Ang pagmamahalan sa bawat isa ay ang mahalagang bagay na ibinibigay natin sa ating pamilya. Habang maaga pa mas mabuting ipahatid natin ang pagmamahal natin sa ating ama, ina, kapatid at sa lahat ng bumubuo sa ating pamilya. Ang isang matatag na pamilya ay isang pundasyon ng lahat ng bansa.
YOU ARE READING
Educational Works
FanfictionThis work contains english and tagalog educational works that students may use in their studies.