CHAPTER 7
CHLOE GRACE POV
Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa paligid. Medyo madilim ang paligid kaya hindi ko masyado maaninag kung nasan ako ngayon. may narinig akong mga yapak na tila papalapit sa akin
"S-sino y-yan?" Nauutal, natatakot at kinakabahang tanong. God knows how much I'm scared
Biglang umilaw ang lampshade na nasa gilid ko.
"Ansel?" Tanong ko baka kasi di sya totoo at guni-guni ko lang sya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nya sakin. So totoo sya. Pero kinakabahan pa rin ako. At nababasa ko sa mga mata nya ang pag-aalala
"Nasa'n ako?" Tanong ko sa kanya
"Nasa kwarto mo. Sa'n pa ba?" Simpleng sagot nya sakin
Napatingin ulit ako sa paligid at napagtanto kong nasa kwarto nga ako. Binalik ko ang akong tingin kay Ansel
"Pa'no ako napunta dito? Naaalala ko na may dalawang lalaki na hinoldap ako tapos dinala nila ako sa isang bodega and....................... and................" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil inuunahan ako ng luha ko. At paulit-ulit na rumerehestro ang nangyari sakin kanina.
"I-I d-don't know if n-natuloy nila y-yung balak n-nila sakin" sagot ko habang pumipiyok ang boses ko
Hinawakan ni Ansel ang pisngi ko
"Don't worry. Walang nangyaring ganun. I arrived just in time" sagot nya na nagtanggal ng pangamba ko
"Pa'no mo nalaman kung nasan ako?" Tanong ko na may halong pagtataka.. Unti unti na din akong tumigil kakaiyak dahil sa sinabi nya
"Kahit pinaalis mo ko, may responsibilidad pa rin ako sayo. I'm your bodyguard and responsibilidad kong protektahan ka kaya kahit ayaw mo, sinundan kita ng palihim" paliwanag nya sakin. Gosh buti nalang pala sinundan nya ako dahil kung hindi baka kung ano ng Nangyari sakin sa bodega na yon
"Sabi mo pag kailanganin ko ang tulong mo, hindi ka dadating?" Tanong ko. Ok erase na yung sinabi kong batugan sya dati kasi responsible sya.
"Ano pa bang silbi ko kung hindi kita tutulungan?" Sagot nya ng natanong.
"Muntik na nila kong ma-rape" saad ko at naiiyak nanaman ako dahil nagflashback nanaman sa utak ko yung nangyari
"Diba dapat sanay ka na dun? Kasi nga maraming beses ka na ring naholdap and muntik ng ma-rape before, right?" Tanong nya
"But it's different kanina. Pinagtangkaan pa nila akong patayin" sabi ko. Oo may nanghoholdap at nagtatangkang gahasain ako pero yung nangyari kanina kakaiba dahil pinagtangkaan akong patayin. Di ko namalayan na umiiyak naman ako
"Ssh........................ stop crying. Tapos na yun. Kalimutan mo na yun, okay? Ang importante ligtas ka, yun lang ang mahalaga" sabi nya
ANSEL ELGORT POV
"Yung dalawang lalaki, asan sila?" Tanong ni Ma'am
'Binugbog ko silang dalawa hanggang sa napuno ng dugo ang katawan nila at dinala ko sa police station ng Walang malay' yan ang gusto kong isagot pero matakot sya sakin kung nagkataon
"Wag mo na silang isipin, ako na ang bahala dun. Magpahinga ka na lang" tanging sagot ko
Aalis na sana ako pero biglang hinawakan ni Ma'am Chloe ang kamay ko
"Ansel....." Mahinang tawag nya
"What?" Sagot ko ng humarap ako sa kanya
"Can you please stay? Dito ka na muna. I just wanna feel safe" tanong nya pero kasi sabi nya dati safe sya dito sa room nya
"Safe ka naman dito eh. Nasa sariling kwarto ka. Safe ka dito" sabi ko
"I feel safe when you're around" sabi nya. Pero di ako nakasagot
"Please.............. please stay.........." Pagmakaawa nya sakin
Unti-unti akong lumapit kay Ma'am Chloe at tumabi sa kanya
"As you wish" sabi ko
Bigla na lang akong niyakap ni Chloe at tsaka umiyak. Hinagod ko naman ang likod nya
"Thank you. Thank you for saving me" pasasalamat nya sakin na nagpangiti sakin ng todo kasi di ko alam na si Ma'am sungit is marunong magpasalamat
"You don't have to thank me. Ginagawa ko lang ang trabaho ko" sabi ko. Oo ginagawa ko lang ang trabaho ko at wala ng iba pang dahilan
Ilang sandali pa ay nakatulog na si Ma'am Chloe pero hindi pa rin sya bumibitaw sa pagkakayakap sakin. At medyo mahigpit pa ang yakap nya sakin.
"Pa'no ba to?" Tanong ko sa Sarili ko. Di ako dito makakaalis eh.
YOU ARE READING
Right Here Waiting
RandomBodyguard ko sya, pero nahulog ako sa kanya.. Mahal nya ako, pero naglilihim sya sakin We love each other, but he leave me I want him back, but he choose to stay in US. His back..... Pero arrange marriage kami.. I hate him because of it, but still I...