CHAPTER 12
CHLOE GRACE POV
11:00 pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama.
'Ah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Patulugin mo na ko please' pasigaw pero mahina kong sabi baka kasi magising yung mga kasama ko sa bahay eh
Tinapon ko kung saan saan ang mga unan na makita ko.
"Ang manyak-manyak mo Ansel. Di pa sya nakuntento sa paghalik sa kin, hinawakan nya pa ang dibdib ko. Ang kapal nya talaga" naiirita kong sabi. pinagsisisihan ko tuloy ang pag-iimbestiga ko kung straight sya o hindi.
Bumangon ako at naglakad-lakad ako sa kwarto ko
"Isusumbong ko talaga sya kay kuya. Ipapadeport ko talaga sya. Sexual harassment kaya yung ginawa nya" sabi ko
Natigil ako sa paglalakad.
'Pag ginawa ko naman yun, maghahanap ulit ako ng bagong bodyguard at kapag naghanap ulit si kuya baka mas malala pa yung mga mahanap nya kaysa kay Ansel. mas malala pa nga yung nangyayari sakin sa dati kong mga naging bodyguard eh'
pinulot ko ang bawat unan na madadaanan ko
"Ano bang gagawin ko? Bwisit kasi ang lalaking yun eh. Lakas makapagnakaw sa kin ng halik eh. at first kiss ko yun. ayaw ko man na maging first ko sya eh nangyari na eh" sabi ko sa sarili ko
Binagsak ko ang katawan ko sa kama at tinakip ulit ang unan sa mukha ko.
"Patulugin mo na ko. Gusto ko ng matulog. May trabaho pa ko bukas" sabi ko. its too late kailangan ko nang matulog baka malate ako sa trabaho ko
Tinanggal ko ang unan na tinakip ko sa mukha ko kanina
"Mapapatay talaga kitang lalaki ka" mahinang sigaw ko na alam kong may halong panggigigil sa boses ko. Sobrang galit na galit ako sa kanya
ANSEL ELGORT POV
Kanina pa ako hindi pakatulog at nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame
"I'm so dead" sabi ko.. napabuntong hininga naman ako ng ilang beses
'I'm sure madedeport na ko nito and pagbalik ko sa Amerika, goodbye for being single na ko nito. Ikakasal ako kay Shantal Grace nang wala sa oras nito. Dapat kasi di ko na sya hinalikan pero kasi kasalanan nya yun eh. She provoked me. She tease me'
ayaw kong makasal kay Shantal. kasi kung nagkataon baka di na kami umalis ng kama at don tumira dahil sa kamanyakan nya. at isa pa ayaw ko sa kanya. ang gusto kong pakasalan ay yung taong gusto ko
Tumayo ako at tumungo sa cabinet at binuksan ito
"Maybe I go beyond the limit. Ginusto ko rin naman syang halikan eh" sabi ko sa sarili ko. nagsisisi tuloy ako na hinalikan ko sya kahit ginusto ko.
Sobrang lambot ng labi nya grabe. Ang sarap nyang halikan pero kasi dapat Hinalikan ko lang sya yun lang naman yung dare nya eh di kasama yung pagpisil sa dibdib nya. sigurado akong dahil don ipapadeport nya ako
"Siguro kailangan ko ng mag-impake ng mag gamit para maaga akong makaalis bukas" sabi ko sa sarili ko.
Biglang akong nalungkot kasi alam kung mamimiss ko ang sila Chloe Grace, Kathleen Nichole At Cassandra Kate. Pero syempre mas mamimiss ko si Chloe.
CHLOE GRACE POV
Kahit madaling araw na ako nakatulog ay maaga pa rin akong nagising. Medyo masakit pa nga ang ko dahil kulang ako sa tulog. Unti-unti akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nagulat na ako nang makita ko si Ansel sa kalalabas lang ng kwarto nyo. Nagkatinginan lang kami pero agad din akong napaiwas ng tingin at napatakip ako ng aking sarili. Baka ano na namang maisipang gawin sa 'kin ng lalaking 'to.
Nilagpasan lang ako ni Ansel at may dala dala syang maleta at malaking bag.
"What's the meaning of this?" takang tanong ko kay Ansel
"Nilalayo lang kita sa disgrasya. Pa'no pag nahulog ka sa hagdan? Kasalanan ko na naman? Hindi pa nga ako nakakaalis, mapapahamak ka na naman." sabi nya
"Aalis? Bakit ka aalis?" tanong ko. bat sya aalis dahil ba nahihiya sya or what?
"Diba ganito naman ang nangyayari sa mga bodyguard na minamanyak ka? Pinapadeport mo diba? Since alam ko na naman na mangyayari 'to, inunahan na kita. Kagabi pa ko nag-impake and nakakuha na ko ng plane ticket pabalik sa Amerika. You don't have to worry anything" paliwanag nya sakin.di ko naman sya ipapadeport ah. advance ba sya mag-isip?
Lalagpasan na sana ulit ako ni Ansel,dali-dali kong hinarangan ang dadaanan nya
"Hindi naman kita pinapaalis eh" sabi ko
"But I know that's what you want" sabi nya. di sana kung ito ang gusto kong mangyari tinawagan ko na si kuya
Hindi ako nakasagot. Masyado akong nabigla sa mga nangyayari. Oo, totoong nagalit ako sa ginawa nyang kapangahasan kagabi but at the same time, hindi ko sya gustong umalis.
"And before I leave, I just want to say sorry dun sa ginawa ko kagabi. I know na mali yung nagawa ko. Sana makahanap ka agad ng bodyguard na ipapalit sa kin. Yung matinong bodyguard talaga" paghingi nya ng patawad sakin habang nakayuko.
Hinaplos ni Ansel ang pisngi ko
"Yung bodyguard na poprotektahan ka. Mag-iingat ka lagi, huh?" dagdag nya pa at tsaka ako hinalikan ni Ansel sa noo
"Goodbye" sabi nya at saka ako nilagpasan
"Wag kang umalis. I don't want you to leave" sabi ko sa kanya
ANSEL ELGORT POV
"wag kang umalis.I don't want you to leave" mahinang sabi nya na sakto lang para marinig ko.
Napatigil ako sa paglalakad at tinignan si Chloe.
"Kakalimutan ko yung ginawa mo, just stay" dagdag pa nya
"Why? I'm sure may mahahanap ka pang mas better sa 'kin na bodyguard" mahinahong sabi ko.
Ano kayang iniisip ni Chloe. Eh nabastos ko na nga sya eh. Pwede nya pa nga akong kasuhan. Pero bakit gusto nya pa rin akong mag-stay?
"No. I know wala na. Ikaw lang yung gusto kong magprotekta sa kin so please.................... dito ka lang" sabi nya. habang yung mga mata nya at parang nakikisusap na mag-stay ako dito. at dahil ayaw nya akong umalis ay nagdiwang ang puso ko dahil hindi pa ako magpapakasal kay Shantal.
"Ansel please...... stay...." nagmamakaawang sabi nya
"Fine. I'll stay" sabi ko. ayaw ko naman umuwi eh. ayaw ko pang magpakasal kay shantal
Agad na napangiti si Chloe at agad akong niyakap
"Thank you" aniya
Unti-Unti namang bumilis ang tibok ng puso ko.
What's this feeling ?
ang sarap pala sa pakiramdam ng yakap ni Chloe
![](https://img.wattpad.com/cover/159412868-288-k445101.jpg)
YOU ARE READING
Right Here Waiting
RandomBodyguard ko sya, pero nahulog ako sa kanya.. Mahal nya ako, pero naglilihim sya sakin We love each other, but he leave me I want him back, but he choose to stay in US. His back..... Pero arrange marriage kami.. I hate him because of it, but still I...