Tigil

9 1 0
                                    

"Kailan mo ba siya titigilan?" sa pang labing-walong beses, sinagot ko na ang tanong ni Alex, ang bagong kalaguyo niya.

"Isang beses ko lang ito sasabihin, 'Lex." inayos ko ang aking sling bag at lumapit sa kanya.

"Alex Floresta, hanggang mamatay ako, hindi ko siya tatantanan. Tandaan mo yan, mwah." at ngumuso ako sa kanya.

"Shit! Kadiri! Ew!" natawa nalang ako sa reaksyon niya. Asa naman siya, syota niya gusto ko, hindi siya. Eww.

Lumabas na ako ng room. Haaaay. Last time na 'to. Last year for senior high. Last year na high school. After this, ano ba talaga kukunin ko sa college? Mass Communication na ba talaga? Or BS arts and film?

Sabi nila, ako yung taong go with flow. Kung baga, 'di bale na hindi ko alam kung saan ako pupunta, saan ang dulo nito, basta madadaanan at makakatapos, go.

Sa paglalakad, biglang may tumabi sa akin.

"Lalim ng iniisip ah."

"Pwede ba, Angkie? Minsan na nga lang mag-isip, eh." natawa siya sa sinabi mo at inakbayan ako.

"Iniisip mo nanaman kung anong course mo?"

"Ano pa nga ba."

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at saktong may upuan sa may school garden, pinaupo niya ako doon.

"Alam mo, Vivien, bakit hindi mo nalang tanggapin ang alok ng nanay mo sa Australia? V, alam mong hindi ako nangingielam sa buhay mo. Concerned lang."

"Ankie kasi, alam mo din naman na ayoko sa Australia. Ayoko doon. Ayoko yung trabaho doon."

"Pero makakasama mo na si Mama mo."

"Paano si Papa?"

"Pupunta din siya doon."

"Paano yung trabaho niya?"

"Madaming trabaho sa Australia, V."

"Angkie..."

"V..."

Naiyak ako bigla. Hindi dahil sa kung anong naiipit ako o ano.

"Angkie, ayokong lumayo sa'yo."

"V, alam mong gusto ko din na nandito ka lang. Pero paano ikaw? Isipin mo muna ang sarili mo, V." at bigla niya akong niyakap ulit na parang huli na ito.

"Hay nako, Angkie. Doon ka na nga. Baka mamaya abangan nanaman ako ng jowa mo. Dragon pa naman yun."

"Loko ka talaga."

Lumipas ang madaming araw. Tapos na ang graduation at summer. At hindi parin ako tinatantanan ng mga huling sinabi sa akin ni Angkie.

"Pa, sigurado po bang susunod kayo sa Australia?"

"Oo, anak." nginitian niya ako, "Promise."

"I love you, Papa."

"Alam mo namang mahal na mahal kita, 'Nak."

"Gagaling ka po. Bye, Papa." inabot na sa akin ni Papa ang maleta ko. Pumasok na sa airport. Aayusin pa ni Papa ang papeles niya. Siguro mga isa o dalawa pang buwan bago siya makasunod. Haaaay.

"Vivien!!!" Alam ko ang boses niya.

"Vangie..." nginitian ko siya.

"V, mamimiss kita! Hi mo nalang ako kay tita ha?" naluluha ako.

"Angkie, mamimiss din kita." masakit man, pero kailangan ko itong tigilan.

Mali itong gagawin ko, kasi stripper ang papasukin ko doon. Para madaling makapasok, inarrage marriage ako. Ang alam ni Papa, newscasting ang trabaho ko doon.

Gagawin ko 'to para sa pera.

Para kay Papa na may sakit.

Para makasama ko si Mama.

Para mapigilan ko itong nararamdaman ko kay Angkie.

Naalala ko pa noon, sabi ni Mama.

"Half-sister mo si Vangie, Vivien. "

Mali ito.

Kasi kapatid ko siya.

At gusto ko siya.

Hindi bilang kapatid, o kaibigan, o isang kakilala.

Kundi gusto ko siya bilang asawa.

At alam kong mali iyon.

"V, oonga pala, nag-propose na sa akin si Alex. V, after college pa kami papakasal pero V! Nagpakasal na kami sa West. Ewan ba doon, sabi niya may umaaligid daw.

At tumigil ang mundo

nung ako'y naging tibo.

Para lang sa iyo.

Alam kong mali ito

pero ikaw talaga ang gusto ko.

Magkamatayan na,

mahal talaga kita

kahit alam kong mali ito.

Mahal kita, Vangie. Pero kailangan ko na itigil ito.

Tigil (One Shot)Where stories live. Discover now