4.Searching

10 0 0
                                    



Napasulyap si Cesar sa salamin.Nakita niyang nakatulog na ng mahimbing si Lucas.Hindi na niya ito inabala at ipinag patuloy na lamang niya ang kanyang pag mamaneho.




Mga ilang sandali nakarating na sila sa Makati Medical Center.Ginising na ni Cesar si Lucas.




"S-Sir, andito na po tayo sa Makati." saad ni Cesar


Unti-unting iminulat ni Lucas ang kanyang mga mata at napa hikab pa.


"Napuyat ba kayo sir?"ngiting saad ni Cesar



Mariing napatingin si Lucas kay Cesar.Biglang binawi ni Cesar ng kanyang makahulugang ngiti.



"Intayin mo na lang ako dito sa parking lot or kung gusto mo mag coffee ka muna."mabilis sa tugon ni Lucas



"Okay po sir!"







Naglakad si Lucas sa patungo sa malaking gusali.Sumakay siya sa Elevator, pataas sa 6th floor.

Nagtungo siya sa Clinic ng kanyang kapatid na si Dr. Lucer Santillan (Surgeon).Nag intay muna siya sa labas dahil may pasyente pa ito sa loob.Hindi naman mapakali si Lucas habang nakaupo ito dahil pinag titinginan siya ng mga kababaihan sa labas ng clinic.Bigla niyang isinuot ang kanyang salamin.



Mga ilang sandali, nakita ni Lucas na wala ng tao sa loob kaya pumasok na ito.Napangiti kay Lucas ang secretary ng kapatid.Nagulat naman ang Kuya ni Lucas  ng makita siya nito.




"Lucas! What a pleasant surprise!"gulat sa saad ni Lucer



Napayakap ng mahigpit si Lucas sa kanyang Kuya.



"Na miss kita Kuya."ngiting tugon nito



"Na miss or may problema ka na naman."mabilis na saad ni Lucer


"May ibebenta ako sayo."dugtong ni Lucas




Napangiti ang Lucer sa sinabi ng kapatid at biglang tinapik ang braso nito.Napangiwi si Lucas dahil kumirot ang sugat sa kanyang braso.



"A-Anong nangyari sayo may masakit ba sa braso mo?"pag aalala ni Lucas


Napatango si Lucas.Kaagad nitong hinubad ang suot niyang t-shirt.Nakita ni Lucer ang benda sa braso nito.Dahan dahan niya itong inalis at nakita niya ang malaking sugat ni Lucas.Kaagad na kinuha ni Lucer ang kanyang mga gamit.Kaagad niyang ginamot ang sugat ni Lucas.



Loving LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon