Jeffa3

14 0 0
                                    

Halooo Mabuhay sa mga magaganda at gwapong bumabasa sa storya kung hindi naman gaanong maganda. It's me again your gourgeous author.

Ito na pinakahihintay ko na makita ang ang paaralan ko. Because is my first day in Bridge kaya super excited na akong pumasok sa Bridge. Pagkagising ko talaga ay agad na akong nag-pray for guidance ni Lord, dahil unang araw ko  ngayon sa school namin.Matapos ang pagdadasal ay agad na akong naligo at nagbihis, natapos ko na lahat e prepare ang sarili ko at agad na akong pumunta sa dinning room para kumain ng breakfast.

" Good morning darling." pagbati ni Mama sakin.

" Good morning po sa inyong lahat."

" Nakalimutan kong sabihin sayo nak na sabay pala kayong papasok ni Lharby at siya nalang daw susundo sayo sa bahay." saad ni Tatay sakin

Ba't si Lharby pa ang sasabayan ko. Nahihiya ako sa ginagawa ko sa kanya kahapon, pero dapat hindi ko nalang yun isipin ang nangyari sa amin.Okay narin siya ang kasama ko kasi wala pa akong kakilala bukod sa kanya.

" Sige po " nakangiting pagbati sa kanila.

May narinig akong ingay sa labas ng bahay namin siguro si Lharby yon. Siguro lahi namin ang manghula, ang gwapo niya ngayon sa suot niya.

" Good morning po Tito at Tita."

" Good morning din hijo, nandito kaba para sundoin ang aming prinsesa." nakasmile ng big habang tumitingin sakin.

" Nandito po ako para ihatid ang aking prinsesa. Natatakot nga ako baka hindi siya pumayag sa paanyaya ko sa kanya." nag pout pa ang bruhong ito.

" Hoy! walang akong sinabi na ayaw kung makisabay sa iyo ha!"

" Let's go na my princess baka ma-late tayo sa school, bye na po tito at tita."

Agad kong sinundan si Lharby papunta sa kinaroroonan ng kanya sasakyan. Bait din pala itong mukong nato nakakababae ang ginawa niya pinagbuksan pa ako ng pinto. Ang bango ng sasakyan niya at ang ganda pa. Nasa front seat ako at katabi ko si Lharby ngayon. Wala isang nagsasalita sa amin pero nagulat ako ng hininto ni Lharby ang sasakyan niya at bigla niya akong kinausap.

" Sorry pala sa nangyari sa atin kahapon nadala lang ako sa kalibogan ko sorry talaga promise ko hindi nayon mauulit." nakayukong sabi niya sa akin

" Ano ka ba? okay lang yun sa akin wala yung malisya diba magkaibigan naman tayo okay lang wag mo nayong isipin."

" Hindi ko nga alam kung kaibigan ba talaga ang tingin ko sa iyo, simula nang makita kita bigla nalang tumibok ang puso ko at first time kung mahulog sa isang bakla kaya nag-aalinlangan akong sabihin sayo ang nararamdaman ko pero ngayon kinapalan ko na talaga ang mukha ko na sabihin ito sayo. Mahal kita Jeffa kung ano man ang desisyon mo ay gagalangin ko ito."

" Pero Lhar pag-iisipan ko muna itong gagawin kung desisyon. Aminado ako na gwapo at mabait ka pero hindi pa talaga ako handang pumasok sa isang relasyon, sana maintindihan mo ang part ko."

" Sabihin mo lang sakin kung handa kana para maging akin ka nalang." nalulungkot niyang sabi sa akin.

Napansin kung umiiyak siya kaya agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ko ang mga luha niya at binigyan ko siya ng sobrang higpit na yakap at napansin ko rin na napayakap din siya akin.

" Sayo lang talaga ako." natatawang sabi ko sa kanya para tumigil na siya sa pag-iyak.

Napansin ko naman nga ngumiti siya pero hilaw pero okay nayon na makita siyang ngumi-ngiti cute niya kasi eh!. Matapos ang mga iyakan moments namin ay agad na kaming pumunta sa school. Napanga-nga talaga ako sa ganda sa school na ito. Kaya agad na akong pumasok sa gate para hanapin kung saan ba ang room ko. May nakita akong board basta board hindi ko alam ang pangalan eh. At dahil pandak ako hindi mabasa ko ang nakapuslit sa pisara. Hindi ko alam kung bakit ko natatanaw ngayon ang nasa pisara at pansin ko rin na bigla nalang akong tumangkad. At dahil don nakita ko ang section ko na Positive Thinkers. Kaya tinanaw ko kung sino at gulat na gulat ako na may isang lalaking buhat-buhat ako.

JeffaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon