Jeffa4

10 0 0
                                    

Naging maganda naman ang naging araw ko sa klase at marami narin akong mga kaibigan sa room namin hindi nga nila lubos maisip na isa pala akong bakla mukha daw kasi akong babae at Princess pa ang tawag nila sakin. Diba lakas makatalbog ng beauty ni Kendall.

Walang pasok ngayon, kaya nandito lang ako sa kwarto habang nakikinig ng mga blackpink songs. Tinatamad kasi akong bumaba sa dinning rooom eh! hindi pa gumagana ng maayos ang lahat ng nerves ko dahil sa puyat ko kahapon sa school marami kasing paper works, role plays, at iba pa basta busy ako kahapon. Kaya nandito muna ako sa kwarto ko. Pero natigil ang pakikinig ko ng biglang sumigaw si Mama.

" Nak! gumising kana dyan may pupuntahan tayo."

" Saan ba tayo pupunta at wag akong ma si Ara nalang."

" Wag kanang magtanong at bumaba kana dito kasama natin mga kapatid mo at tatay mo kaya bumangon kana dyan!"

Saan ba kasi kami pupunta at ayaw pang sabihin lakas maka Madam Auring nito ha!. Sana nga marami gwapo do'n sa pupuntahan namin. Bumaba na ako sa kwarto at tumigil na si Mama sa kakasigaw ang ingay kasi makabasag eardrums.

" Let's go na baka ma-late tayo nakakahiya kina Stella." nagmamadaling tugon ni Mama

What! kasama pala namin sina Tita Stella at makikita ko rin don si Lharby sana okay na siya at hindi na siya nagtatampo sa akin.

" Saan po ba talaga tayo pupunta." nagtatakang sabi ko.

" Pupunta tayo sa swimming pool." bakas sa mukha ng mga kapatid ko ang saya.

3 oras ang biyahe papunta sa swimming pool kung saan daw kami malililigo kaya nagbihis na ako ng swimming outit ko para maganda naman ako nasa kotse palang kami ay naghahanda na sina Mama at mga kapatid ko sa kanilang susuotin. Sa di kalayuan ay may natatanaw akong isang malaking resort at sa gilid ng resort ay may dagat na napakaganda. Kaya bumaba na kami at pumunta na sa entrance.

" Cris nandito kana pala dito tayo." masayang pagbati ni Tita Stella kay Mama.

Kaunti lang ang tao dito sa resort kaya ang mga kapatid ko ay tumalon ng bongga. Ako lang ang naiwan dito sa cottage dahil sina Mama at Tita ay pumunta sa kabilang cottage together sa mga friends nila. May matipunong lalaking unti-unting lumalapit hindi ko masyadong maaninag dahil nakakasilaw talaga siya.

" Jeffa kanina ka pa dito? wheres tita?"

" Bago palang ako dito Lhar ikaw saan kaba galing?"

" Nagpalit lang ng damit pang swimming." habang turo-turo niya ang damit niya at shorts niya na halatang bumabakat ang kanyang alaga.

" Lhar okay ka naba, sorry kahapon sa pagpapaiyak ko sayo."

" Ano kaba kalimutan mo nalang yun."

Nagulat ako ng ilapit ni Lharby ang kanyang mukha sa akin at tinitigan niya talaga ako ng sobra lagkit at yinakap niya ako ng sobrang higpit. Nakita ko sina Mama at Tita nanag-uusap pero kapansin pansin ang mukha ng isang babaeng kasama nila hindi ko siya nakita kahit kailanman. Tinanggal ko ang pagkayakap ni Lhar sa akin upang itanong sa kanya kung sino ang babaeng kasama nila ni Mama.

" Lhar sino yang babaeng kausap nila ni Tita."

" It's tita Vivoree kaklase yan nila mama at tita nong highschool."

" Ah! ganon ba pero sino yan?" sabay turo ko sa lalaking kasama ni Tita Vivoree

" Siya si Ronnie anak siya ni Tita Vivoree mag kaedad lang tayong tatlo pero mag-ingat ka dyan."

JeffaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon