So, you are really going to do it? untag ng inner self.
Delikado, I know right? sagot niya. So, shatap. Huwag makulet!
Kinukumbinsi pa rin ni Eula ang sarili habang nakamasid sa mag-lola. Pumasok na nang sumunod na araw si Joy sa summer class. Saktong ang klaseng pang-grade two at three na kinabibilangan nito ang ipinahawak sa kanya ni Belinda, kaswal na sinalubong niya ng ngiti ang dalawa. Parehong siyang inismiran ng mga ito. Mag-lola nga!
"Anong chika mo sa lola ni Joy, Tita?" Pasimpleng nag-interview siya kay Belinda nang gabing lumipas. "Ang lakas kasing makasungit."
"Ano'ng chika ka d'yan?" Kasalukuyang gumagawa ng test materials ang kapatid ng ina sa silid nito, itinapat nito ang hintuturo sa nguso. "Ingat sa pananalita, Ursula. Ang pamilya Palad ay maipluwensya rito sa San Catalina. Baka bigla ka na lang ipadampot sa pulis."
Napatawa siya. "Chos, Tita?"
"Chos?" Apparently, isang Generation X ang babae. "Meaning?"
"Kidding?" paglilinaw niya.
Umiling ito. "Marami na ang naidemanda at naipakulong ang pamilya niyan." Bumuga ito ng hangin. "Mga matapobre 'yang mga 'yan. Masasama ang ugali kaya papalit-palit ng katulong lalo na noong nabubuhay pa ang nanay ni Lola Aina – ang lola sa tuhod ni Joy. May mga bata noong napabalitang sinaktan sa malaking bahay... anak daw ng katulong. At isipin pang mga relihiyosa kuno ang mga 'yan!"
Medyo lumakas ang pananalita ni Belinda, siya naman ang nagdampi ng hintuturo sa bibig. "So... wala pa naman pong napabalitang may namatay o nawalang bata dahil sa kanila?"
Tiningnan siya nang kakaiba ng tiya. "Wala naman... para saan nga ba ang pag-uusap na 'to?"
Ayaw ni Eula na makakatunog ang babae na nag-i-imbestiga siya, wala naman siyang naihandang excuse kaya natameme na lang siya. Mabuti na lang nag-ring ang phone ng kausap.
Sinagot kaagad ito ni Belinda. "Hello, Ate Bern?"
Bumagsak din ang mukha niya. Ang ina ang tumawag. Mabilis na pumihit siya palabas ng kuwarto nito. "Ma-eechos ako, Tita -"
"Ano maki-kidding ka?" takang habol-tingin sa kanya. "At etong mommy mo... gusto kang makausap -!"
"Mae-echos po ako, Tita," putol niya. "Matatae!"
"Magkaiba pa pala 'yun? Henerasyon n'yo talaga." Napakamot ito sa ulo. "Magtagalog ka kasi."
"Pasabi po tatawagan ko siya," nasabi na lang niya.
Pero hindi nag-return call si Eula kay Bernadette Noriega, ina niya. Hindi rin naman ito tumawag sa mismong cellphone niya dahil alam nitong hindi siya sasagot. At doubtful din siya na nagkwento ito kay Belinda sa nangyari; alam niyang mahihiya ito sa tiya niya.
Masama pa rin ang loob niya sa mga magulang. Palaging nag-aaway ang mga ito. At nito lang, nagpasya na ang dalawa na maghiwalay na.
Bilang nag-iisang anak, nasaktan siya. Parehong mahal niya ang mga magulang at hindi niya matanggap na gan'un lang. Gusto niyang mag-isip pa ang mommy at daddy, pero buo na raw ang desisyon ng mga ito. Nag-walk out siya sa mga magulang nang araw na iyon.
"Teacher Ursula," pukaw sa kanya ng isa sa walong mga batang tinuturuan. Ibinigay nito ang Math worksheet na pinapasagutan niya. "Magpapa-check po."
"Galeng naman," nakangiting puri niya sa estudyante matapos busisiin ang mga sagot nito. "Ayusin mo na ang gamit mo at pwede ka ng mag-gorabels pagdating ng sundo mo."
BINABASA MO ANG
Si Wayna (Published by Bookware)
HorrorMay batang multong nagpaparamdam kay Joy, isang pitong taong gulang na nagsa-summer class sa school ng tiya niya at nakita rin ito ni Eula. Gusgusin at maputla ang multo sa suot na pulang bestida. Nakatirik ang mga mata nito at duguan ang ulo. Sa t...