unit.3-crazy guardian

454 16 2
                                    

unit.3-crazy guardian

Bakit kaklase ko 'tong libag na lalaking ito? Magugulo ang tahimik at masya kong buhay!

"Hi!"at ngumiti pa ang loko na akala mo ay natutuwa ako at naging magkaklase kami.

Pilit na ngiti lang ang binigay ko sa kanya.

"Ehmm!"si Jelli na may mapangasar na ngiti.

"What!?"tanong ko. Litsi naman ba't sa likod ko pa 'to nakaupo?

"Pakilala mo naman kami sa new loverboy-este friend mo!"si Dazzle naman ngayon na may nakakalokong ngiti din.

"Huh? Baka nga? Di ko kilala yan!"pagtanggi ko, please naman gumana ka!

Bigla namang sumingit ang damuho at nagsalita.

"Huh!? Diba nagpakilala na ko sayo?"

Just Wow! lakas maka-fc!(feeling close)

"Oo nga Cess!"sigaw naman ni Laraine sa kabilang row, wala kasi kami ngayong Titser late ata.

''Tssss..."yun lang ang nasagot ko at sumimangot. Ano bang problema sa buhay nitong lalaking 'to? at ako ang trip?

Habang ang dalawang bruhang katabi ko, ang lalapad na ng ngiti. Ayoko ng iniisip nila! kasi kalokohan nanaman yun! for sure!

"What!?"high pitch na ang boses ko, naiirita na ko sa mga ngiti nila!

"Nothing!"sabay iwas nilang dalawa ng tingin pero natatawa pa din.

Yung nasa likod ko naman. aysssttt! Kalabit ng kalabit sakin. Ano bang problema niya!?

"What!?"tanong ko. Naiirita na talaga ko.

"Wala pa'ng teacher? Kung wala pa pakilala mo naman ako sa mga friends mo."sabay ngiti na naman niya. Diba siya naalibad baran ngumite?

At nasaan na ang pakpak niya? tinago niya?

"Pakilala mo daw siya, Egay! 'kaw naman ang damot mo. Parang papakilala lang eh!"tukso ni Jelli. Iba na talaga natakbo sa utak nito!

Ito namang soul reaper na ito daw? Diba niya alam na iniiwasan at naiinis ako sa'kanya at ginugulo niya pa din ako?

"Edi magkilanlan kayo! tsss..."pagtataray ko, nabubwesit na talaga ko.

"Sunget mo talaga! Meron ka ba?"at nagawa pa kong asarin ng lalaking 'to! tadyakan ko kaya /to!?

"What?"tanong ko, nababaliw na ko. Kailangan kong makatakas sa lalaking 'to!

"Wala sabi ko ang ganda mong magalit."sabay ngiti ulit. Nagpantig naman ang tainga ko sa hagikgik ng dalawa kong katabi, sabunutan ko kaya tong mga 'to?

"Pwede ba? Tigilan mo nga ko!"sambit ko, parang magboyfrend lang kame ah.

"Ay! Ganda mo gurl!"sabat ni Jelli at inirapan ko na lang.

"Parang ipapakilala mo lang kami eh, Ang damot mo naman Princess!"asar ni Dazzle, isa pa 'to eh!

"Tsss.... Ohh siya! nangtigilann iyo na ko! Suho, yan si Jelli at ito si Dazzle! Masaya na kayo!?"sabay irap ko pagkatapos kong ipakilala sila.

"Jelli? Ganyan ba talaga yang ugali niya'n?"tanong ni Suho kay Jelli. Diba!? fc talaga!

"Oo, may mood swing yan.''sagot naman ng bruha.

"Kaya di mo gaanong makakusap ng maayos yan!"si dazzle naman.

..Yung totoo!? pinagkakaisahan ba nila ko? Ang alam ko! Crazy ang guardian na napunta sakin? pati ba naman mga kaibigan?

"Mga baliw!"sabay yuko ko sa desk di ako tatagal sa ganto.

"Buti mahaba ang pasensya ko. Naku! kung hindi malalagot ka talaga sakin 'to!"narinig kong sabi ni Suho sakin.

....at hinarap ko siya. Pero, wrong move ang ginawa ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!

"Ayiiiiieeeeeeeeeeeee!!!!!!"sigaw ng lahat ng kaklase ko.

His p.o.v (Suho)

Ang sunget pala nitong babantayan ko. Akala ko madali lang nagpapakabait na nga ko para di na ko mahirapan sa mission ko eh, kaso napaka sunget!

Pasalamat lang talaga siya at medyo mahaba ang pasensya ko lalo na't alam kong babae siya, baka buwan ng araw niya lang ngayon.
Pero ang cute niya pala mag blush....haha! epic!

"Tunguno!"sigaw niya na pabulong. Haha, nakatitig lang sakin ammppp. Ang pogi ko kasi ehh.

"Tama na yang Pda!"sabi ni Kai nasa may likod ko. Kai ata pangalan niya. Ito yung sinigawan nung Dazzle ba yun kasi biglang nang hamblot ng tubigan ng iba.

"ehem!"si Tao, naman ngayon na nasa may likod ni Dazzle. Vale di kami gaanong magkatabi, kasi may iba akong katabi di'ko kilala...

*slap!*.....

What the!? lumagatok yung sampal niya huh!? masakit siya!!!! ayssttt! ba't niya ko sinampal!?

''Awwwwww"sigaw ng mga kaklase namin.

"What was that for!?"Napa-English pa tuloy ako.

"W-wala lang!"sabay tayu niya, hinila niya na lang yung Laraine, ba yun? basta yung pinsan niya. Narinig ko naman yung mga tawanan nung dalawa niyang kaibigan. Pati 'tong si Kai nakisama habang sinisipa yung upuan ng katabi ko may mga saltik 'tong mga 'to!

Bigla namang nagsalita si Tao "It's Ok Dude! mas mabuti nga yan kaysa ma-flying kick ka at masuntok ng straight sa mukha!"sabay wagayway niya ng ulo na 'kala mo may pinaghuhugutan.

Natahimik naman si Dazzle at si Kai. Ang sama na ng tingin sakanya.

Ano kayang problema ng babaeng yun at biglang nanampal?

***

Itutuloy...

(edited)

SUHO the REAPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon