"Diba sinabi ko sa'yo na umuwi kang maaga?!" Kakalabas niya pa lang ng ospital at ganun na agad ang naririnig niya. "Paano na yung job interview mo bukas?""Makakapunta pa rin naman ako."
"Wag mo kong sinasagot Shane. Im so disappointed."
"You asked me tapos sinagot kitang maayos anong problema don?"
"Paano kung may mangyari sayo? Nag alala ako ng sobra okay?"
"Ma, it's okay. We don't need to pretend na okay ang lahat." She sighed, "Anyway, im just gonna take the taxi na lang."
Agad na bumaba si Shane kahit naririnig niya ang pagtawag sa kanya ng mama niya. Pagkasakay niya ng taxi chineck niya ang gamit niya at nataranta siya nang hindi niya makita ang card niya. Bigla naman nag vibrate ang phone niya at nakita niyang tumatawag si James.
"Hey Shane?"
"James! Sorry nakatulog na ko last night."
