"Kailan ka ba mag-aasawa?""Grabe baka tumanda ka nang dalaga!"
"Wala ka pa talagang balak Shane?"
Napailing ang dalaga nang maalala niya ang mga sinabi sa kanya ng mga kaibigan niya. Edi kayo na ang may mga jowa, sabi niya sa isip niya at nag-inom ulit. Ikaw ba naman ang matira sa barkada na walang boyfriend. Si Chantelle engaged na, Si Erika ikakasal na next year, at Si Jade malapit na manganak.
She's the youngest among them. Chantelle is 23, Erika is 25, and Jade is already 27. Siya? 21 pa lang. Kakatapos nga lang niya sa college at pag-aasawa na agad ang tinanong sa kanya? Bakit naman siya maghahanap ng sakit ng ulo, kakatapos nga lang niya umalis sa hell, I mean sa school.
Pumikit siya at nag-sway kasabay ng tugtog sa club na iyon. Galing siya sa baby shower ni Jade, kung hindi lang mahalaga si Jade sa kanya hindi siya pupunta dun.
"Fuck it." Bulong niya. Ramdam niya na masyado na siyang lasing para tumayo at mag-drive pauwi. Nagdodoble na rin ang paningin niya nang tumayo siya at naglakad palabas ng club.
"Hey, alis ka na?" Napalingon siya sa isang lalaki. "Sayaw muna tayo miss, I'm Jake."
"I don't care."
"Tara na! Wag ka nang pakipot."
Hinawakan siya nito sa bewang, she hissed. Masyadong makulit ang lalaking nasa harap niya at masyado siyang lasing para magtimpi.
"You know what?" Mahina niyang sabi dito, "Fuck you."
Nagulat ang lalaki at napabitaw sa kanya. Agad siyang lumabas ng club at hinanap kung saan siya nakapark. Damn it, napakalaki ng parking lot na iyon para sa kanya. At ilang segundo na lang alam niyang babagsak na siya.
Sa kabilang banda, kasalukuyang nakikipag-away si Travis sa isang lalaki sa parking lot.
"Ako ang boyfriend niya pare! At ayon sa girlfriend ko, pinagkainteresan mo siya kagabi!" Galit na galit ang lalaki sa kanya.
Natawa naman si Travis, "Sabihin mo sa girlfriend mo, wag siyang nanlalandi ng iba. May boyfriend na pala siya, nakikipaglandian pa siya."
"Aba gago ka!" Akmang susuntukin na niya si Travis nang makailag ang binata.
"Aray!"
Paglingon ni Travis may babae nang nakabagsak sa sahig. Tumakbo palayo ang lalaki na nakikipaghamon nang away. Nilapitan niya ang babae at nagdudugo ang ilong nito.
"Hassle." Bulong niya. Kinuha niya ang maliit na pouch nang babae at inipit ito sa bibig niya pagkatapos binuhat niya ang babae papunta sa kotse niya.
Nang makasakay siya sa kotse niya tinignan niya ang babae sa likod. "Miss buhay ka pa ba?"
Napakamot na lang siya sa batok at dinala ang babae sa hospital. Biglang nagvibrate ang cellphone niya at sinagot niya ang tawag, "Hello?"
"Hoy gago! Nasan ka na? Nasa parking ka na daw kanina sabi ni Xavier ah?"
"Mahabang kwento pare! Babawi na lang ako sa'yo, pass muna ako."
"Hay naku, tokis ka talaga!"
"Siraulo, emergency ito. May babae kasi na---"
"Grabe ka tol! Akala ko ba bros before hoes."
"Pare it's a matter of life na. Hindi ako nagbibiro.
"Ewan ko sa'yo! Ingat na lang! Labyu!"
"Puro ka kalokohan Xavier."
Napailing siya sa kulit nang mga kaibigan niya. Nang makarating sa hospital agad siyang nagpa-assist sa nurse. Tinanong kung anong nangyari at kwinento naman niya. Halatang nagpapacute pa ang nurse sa kanya, kaya natatawa siya.
Umupo siya sa tabi nang babae at naisip na picturan ito para ipakitang proof sa tropa niya.
Binuksan niya ang pouch ng babae at nakakita ng identification card.
Astrid Shane Velasco
"Nice name." Bulong niya at tinignan ang picture. Maganda siya infairness at talagang may dating. Bigla niyang nakita na may tumatawag sa cellphone nito.
Kiel calling...
"Hello?" Sagot niya.
"Sino ito? Bakit kasama mo girlfriend ko?"
"You mean girlfriend mo si Astrid?"
Biglang nagvibrate nanaman ang phone at hinold na muna niya yung Kiel at sinagot ang tumatawag na James.
"Shane! San ka na? Miss na kita babe."
Natawa bigla si Travis. Hindi siya makapaniwala kaya binaba niya ang tawag. Fuckgirl pala itong babaeng nasa harap niya. Hindi halata dahil napakainosente niyang tignan. Akalain mo nga naman.
"Nice to meet you." Sabi niya at tumawa ulit. "Hay, fuckgirl ka, fuckboy ako."
Lumipas ang halos isang araw at nagdesisyon na si Travis na umuwi. Masyado ata maraming nainom ang babaeng iyon kaya hindi pa nagigising. Binayaran na niya ang bills nito gamit ang sarili niyang pera.
"Uhm, Sir gising na po ang patient." Sabi nang nurse sa kanya kaya agad siyang pumunta sa kinalalagyan ni Astrid.
Nakita niya ang bakas nang hangover sa pagmumukha nito, "Eto yung gamit mo." Sabi niya. "I'm Travis."
Tinignan siya ni Astrid, "Anong ginagawa ko dito?"
He sighed. "Long story."
"Anong nangyari? And who are you?!"
"Nasuntok ka, nagdugo ang ilong mo kaya dinala kita dito sa ospital kagabi. Kakasabi ko lang I'm Travis."
She sighed. At napaisip kung yung lalaki bang minura niya ang sumuntok sa kanya pero napaltan ito ng kaba ng maalala niya na kailangan na niyang umuwi dahil panigurado nag-aalala na ang mommy niya.
"Pwede na ba ako umuwi?" She asked him.
"Well, sabi nila kapag may guardian ka pwede ka pauwiin."
"Kunwari ikaw guardian ko, dali tara na."
"Ha?"
"Sabihin mo tatay kita."
Natawa naman si Travis, "No way."
"Edi sabihin mo girlfriend mo ako."
"That was fast." He said. "Wag kang mag-alala tumawag ang mommy mo sinagot ko, papunta na sila ngayon dito."
"Bakit mo siya tinawagan?"
"Bakit hindi? She's your mom."
"Right. My mom. Wala naman akong choice."
Nagtaka naman si Travis pero kailangan na rin niyang umuwi, "Bye. Take care of yourself okay?"
Inirapan lang siya ni Astrid at tuluyan na siyang umalis nang ospital. Hindi niya alam kung bakit parang naging interisado siya kay Astrid at para bang gusto niya itong makita ulit. Nasa kalagitnaan siya ng biyahe nang mapansin niya na parang may nakaipit sa pants niya. Nang kuhanin niya ito nakalimutan niyang ibigay ang card ng babae.
Ginamit niya kasi iyon nang mag fill-out ng form, at nakalimutan ilagay sa pouch nang babae.
"Tignan mo nga naman ang tadhana." Nakangiwing sabi niya dahil magkikita nanaman sila.