Isa akong simpleng estudyante lamang. Walang espesyal sa akin. Hindi kami mayaman pero masasabi kong may kaya naman ang pamilya ko. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Nag iisa lamang akong babai sa pamilya namin kaya sobra agpaka- strikto ni papa.May dalawa akong bestfriends at sila ang kasama ko sa mga kabaliwan ko. Siempre hindi mawawala ang kagandahan namin kaya naman sikat kami sa school bukod sa maganda na eh matalino pa, at ang bansag sa amin ay "tres maria's".
Grade-8 ako noon ng sinimulan ko ang drama ng aking buhay. Dito ko unang naranasang umibig at nasaktan dahil sa pag- ibig. Oo, bata pa ako ng maranasan kong umibig pero alam kung totoo ang nararamdaman ko sa knya kaya nga lang, bata pa nga kami, at strict nga si papa kaya ayon.
Pero ewan ko ba, kahit taon na ang lumipas, nakapagtapos na ako sa pag-aaral, may stable na trabaho ay hindi ko pa rin pinangarap magkaroon ng bagong kasintahan. Tinutukso na rin ako ng mga bestfriends ko kasi wala daw akong maipakitang boyfriend samantalang sila eh malapit na magsi-asawa! Ang idinadahilan ko na lang eh, hindi pa dumadating si the one at saka bata pa naman ako.
Pero kahit taon na ang lumipas, andito pa rin siya, sa puso ko. "FIRST LOVE NEVER DIES" sabi nga nila at naapply yata sa'kin kaya hanggang ngayon di pa ako nagkakaboyfriend.I may be away from you, in just one call and I'll surrender,again and in that time, I will hold tight.