Chapter 3

13 0 0
                                    

"Uy Ruenz! Anong answer ng number 3?" Pabulong kong sabi sa kanya.

Final exam na namin ngayon at sinuswerte ako dahil si Ruenz ang katabi ko kaya makakapasa ako nito dahil matalino siya. Matalino din naman ako pero iba siya e! ICT kasi, eh kilala siya dito sa school namin kung paano siya kagaling tungkol sa mga computers, mapa-programming man o pag-ayos ng mga parts ng computer, well, si Loique din, silang dalawa ang kilala basta pagdating sa mga computers. Sa kabilang side ko rin nakaupo si Loique pero ayoko na sa knya ako kokopya, nakakahiya.

"B, A, C, D,A. Magkakasunod yan" bulong niya rin habang nakatingin sa kanyang test paper. Kaya sinulat ko naman at nagsulat sa ibang papel para ipasa kay Liza na nasa harap ko saka ipapasa niya kay Jise na nasa pinakaharap. Ganyan kami pag may quizzes, tasks, activities pero hindi naman tlga kami bobo, sadyang napilitan lang kaming kunin itong ICT dahil yung gusto naming TLE eh walang slot, kaya heto kami at buti na lang andyan sina Ruenz, laging nagpapakopya saka mabait nila sa'min si Loique lang ang medyo ilang sa amin dahil awkward naman kasi.

Dalawang oras na ganun, kunwaring nagbabasa ng test paper pero may mga alam din naman ako kaya yung mga nasagutan ko ng number ay pareho sa sagot ni Ruenz means, correct yung sagot ko. Napapangiti nalang ako kapag nakakatugma ako sa sagot niya.

"Hoooh! Sa wakas tapos na finals!!! Bakasyon naaaaaa!"

"Yeahhh!!!"

"Okay tayo na sa canteen! Taas ang kamay ang mga nangopya at kayo ang manlilibre!"

"Hahahaha oo nga! Let's go! Tres maria's! Huwag kayong patay malisya jan, tayo na't libre niyo kame!" Bulyaw sa amin ni Hansel. Nagkatinginan kaming tatlo nina Jise at Liza.

Hmmm I know that look guys, just wait. Mag aayos muna tayo ng gamit natin.

Nagsmirk kami sa isa't isa saka nag- ayos muna ng mga gamit namin.

"Hansel huwag kang paepal jan! Kay Loique naman nanggaling yung sagot mo nu! Alam naman nating lahat na dalawang tao lang nanggaling ang mga sagot natin, sina Loique at Ruenz! Kaya tayo na sa canteen libre natin sila!" Sabi naman nung isa naming kaklase kaya sabay kaming nagtawanan. Totoo naman kasi, silang dalawa lang naman nanggaling ang mga sagot kaya hindi malabong makakapasa kaming lahat.

Natapos na kaming magligpit ng mga gamit. Pumunta na ako sa pwesto nina Jise at habang nag-iingay pa yung mga kaklase namin, pasimple kaming lumabas sa pintuan at pagkalabas namin ay tumakbo na kami.

"Hahahahha! Natakasan natin ulit sila! Hoo sa wakas tapos na ang finals! Mag grgrade-9 na tayo guys!"

"Oo nga no! Hahahahah. Bakasyon na naman... San kayo magbabakasyon?"

Andito kami ngayon sa likod ng school namin at kumakain ng chicherya habang nag uusap. Bawal kami sa harap baka makita kami nung mga tinakasan namin. Nakakatawa nga sila kase pagkatapos ng mga quizzes o kahit anong activities e nanlilibre yung mga nangopya pero kami, pasimple kaming tumatakas at pumupunta dito sa likod para hindi nila kami mahanap. Palagi namin yung ginagawa pero kinabukasan, nakakalimutan nila kaming singilin kaya nakakatawa talaga sila, ni minsan di namin sila nilibre o sumipot man lang sa canteen pag nandoon sila.

"Ewan ko. Baka magsusummer job ako, trip. Hahahaha!" Natawa kami pareho sa sinabi ko. Pero totoo, parang trip kong magsummer job.

Last week na namin dito sa school dahil bakasyon na. Mag gr- grade 9 na kami, bilis talagang lumipas ang panahon.

"You know Shime, that's a good idea! What if magsummer job tayo no? Alam niyo namang may Coffee Shop si mama, doon tayo magtrabaho! Matutuwa yun tlga!" Suhesyon naman ni Jise. Kaya naman agad kaming nag-nod ni Liza para mag agree sa kanyang sinabi. Maganda ang kanyang idea, kaya naman sasabihin ko kay papa para kung di man ako payagan, mapipilit ko pa siya, madali lang namang ma-uto si papa.

Kaya naman pagsapit ng summer, nagtrabaho kami sa Coffee shop ni Tita Marcie, mama ni Jise. Kahit na may work kami ngayong summer, we enjoyed naman kasi magkakasama kaming magbebest friends and nakakaenjoy magserve sa mga tao. And also, madami kaming natutunan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Away From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon