Prologue

1.1K 18 0
                                    

Tahimik ang gabi. Malamig ang simoy ng hangin at maririnig ang paminsan-minsang huni ng mga panggabing ibon.

Halos tulog na lahat ng tao dahil maghahating gabi na rin naman.

Pero, sa isang madilim na sulok ng mansiyon ng mga Villaluz ay isang nilalang ang hintakutang nakatago.

Halos di na niya maigalaw ang katawan sa bumalot na takot sa buo niyang pagkatao. Tanging nasa isip niya ngayon ay ang makalayo sa lugar na ito.

Pero papaano niya gagawin iyon gayong sa bawat paghinga niya ay ramdam niyang may mga matang nakamasid sa kanya at naghihintay ng pagkakataong dakpin siya?

Napapaiyak na lang siya tuwing naalala ang mga kasamahan niya sa loob ng mansion na naiwan niya.

Wala na siyang magagawa para sa mga ito kahit gustuhin man niya. Halos di nga niya matulungan ang sarili niya upang labanan ang takot na nagpaparalisa ngayon sa kanya.

Di siya dapat mawalan ng pag-asa. Hanggat pumipintig pa ang puso niya ay lalaban siya.
Di niya hahayaang mawalan ng saysay ang mga sakripisyo ng mga kaibigan niya.

Tatakas siya sa lugar na ito at nangangako siyang babalikan niya ang demonyong nakatira sa mansion na ito.

Ipaghihiganti niya ang mga kaibigan niya!

Wala na siyang sinayang pa na oras at patakbong binaybay ang daan papunta sa kasukalan sa likod ng mansion.

Sigurado siyang di aakalain ng mga naghahanap sa kanya na dito siya tumakbo dahil pinangingilagan ng mga taga dito ang lugar na ito.

Pinaniniwalaan ng mga tagadito na may halimaw sa gubat pero ang di nila alam ay may mas mabangis na halimaw sa malaking mansion ng taong pinagsisilbihan nila.

Nakita niya at nakaharap ang halimaw na iyon! Nakita niya kung paano pinatay nito ang mga kaibigan niya!

Habang tumatakbo ay panay ang tulo ng luha niya kaya sa nanlalabo niyang mga mata ay di niya napansin ang bangin sa dinadaanan niya.

Huli na ang lahat nang mapagtanto niyang malalim na bangin ang tinutumbok niya dahil mabilis na siyang bumulusok pababa at nilamon lang ng malakas na hangin ang malakas niyang sigaw.

Villa MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon