chapter 1

700 10 0
                                    

"It is state in the last will of the late Don Isidro Villaluz that all his assets and properties here in  Philippines and abroad will be all given to his granddaughter Aliyah Mharie Villaluz,"  dumagundong sa loob ng silid ang malinaw na boses ng abogado ng pamilya Villaluz.

" Are you kidding me? Wala man lang iniwan si Papa para sa iba niyang mga apo maging sa mga anak niya?" histerikal sa sigaw ni Doña Melah, ang panganay ng namayapa.

"Oh come on Melah, we are all well off on our own so why giving a damn about the last will?"  natatawang sabat naman ni Don Miguel ang nag-iisang anak na lalaki ng Don.

" It's not about the money! Kahit gaano pa kalaki iyong worth ng mg assets at properties ni Papa ay wala akong pakialam! Ang nakakapag-init lang ng ulo ay ang pinapamukha niya! We have money on our own and we don't need his money but at least binigyan niya tayo ng importansiya bilang mga kadugo niya!" galit na sabi ni Doña Melah.

"We all know that Papa has his obsession over Aliyah because according to him, she resembles our late mother,"  naiiling na sabi ni Don Miguel.

" Bullshits! I remember Mama being timid and ladylike not ... not like that!"  inis na turo ng Doña sa nag-iisang anak ng bunso nilang kapatid na naunang namayapa sa kanilang ama.

Tumaas lang ang kilay ng tinutukoy niya. She's a rebel and she don't care about anything around her like she don't care about what's stated on the last will.

Pareho nang patay ang mga magulang niya kaya nasanay siyang mabuhay mag-isa without anyone's help or intermission.

She has her parents money on her own disposal so she's not worried about financial problems.

Tatlo lang ang anak ni Don Isidro at bunso ang Mommy niya.

Iyong ibang mga pinsan niya ay walang imik habang nagsasagutan ang mga magulang nito.

"What's the catch attorney. Alam natin kung gaano katuso ang Lolo kaya imposibleng walang kondisyon ang pagbibigay niya ng mana sakin."  Blangko ang mukha ni Aliyah na bumaling sa abogado.

"You're right. There are some conditions for you to officially get hold of the three hundred eighty-five billion worth of assets and properties."

Napasipol si Aliyah sa laki ng halaga ng lahat ng mamanahin niya.

"Wow! I never thought na ganyan kalaki ang assets ni Papa!" gulat na sabi ni Don Miguel.

" So now it got your attention? Well, money always do that. Especially that big," nang-uuyam na sabi dito ng Doña.

"Continue attorney, I still have somewhere to go so let's not waste our time,"  nababagot na sabi ni Aliyah.

Pinukol siya ng masamang tingin ng tiyahin at tiyuhin niya. Di talaga lubos maisip ng mga ito kung paano sila nagkaroon ng pamangking walang galang.

Masyado itong suwail di tulad ng mga pinsan nito na sunud-sunuran sa mga sinasabi ng mga magulang.

" As I've said there are certain conditions and first and the most important is that Villa Maria will not be sold to anyone! The villa will remain as the Villaluz most treasured property. Second, Aliyah Mharie Villaluz will live in the mansion atleast three months every year-"

"F*ck sh*t!"  mura ni Aliyah na pumutol sa pagsasalita ng abogado.

" Watch you mouth young lady!" sita dito ng Doña.

"When I first heard about me being the sole heir,the first thing on my mind is to burn down that hell hole!", inis na sabi ni Aliyah baliwala ang singhap ng mga nasa paligid niya. Ang Villa Maria ang tinutukoy niyang sunugin.

" You can't do that! Villa Maria is way way back when your grandfather's grandfather is still not born! It's a family legacy!" nandidilat na kontra ng Doña.

"You can have it Tita! Hanapin mo ang paki ko sa legacy ninyo!" matalim niyang sabat dito.

" You! You ill mannered ingrate! How dare you to talk to me like that!" Nanggagalaiti na sa galit ang Doña.

"You're not my mother, so I'll talk to you anyway I want!"  maangas na sagot naman ni Aliyah.

" Stop it you two. Come on Melah, wag mo ng patulan ang bata! We all know kung bakit ganun ang pagkaayaw niya sa Villa Maria," sansala ng Don sa akamang pagsabat pa sana ng kapatid sa kanyang pamangkin.

"I'm not doing the conditions!" matapang na tanggi ni Aliyah.

" Well, all the assets and properties will be given to Romulo Villaluz-, "

"Noooo!!!" Napatayo sa galit na pagtanggi ni Aliyah.

Romulo Villaluz is Don Isidro's youngest brother.

"Over my dead body!"  mariing sabi ni Aliyah.

" Paano iyan? Nakakulong si Tiyo Romulo?"  maasim na tanong ng Doña.

Kahit siya ay gugustuhin niyang mapunta ang mga kayamanan ng Papa niya sa maldita niyang pamangkin kaysa sa convicted criminal na kapatid ng Papa niya.

"Well, iyon ang mangyayari kung di mo gagawin ang mga conditions sa last will,"  sabi ni abogado.

" Mamatay na sa kulungan ang hayop na iyon dahil kung makakalabas siya doon ay ako ang papatay sa kanya,"  madilim ang mukhang saad ni Aliyah.

Matagal nang nangyari ang isang karumaldumal na krimen na nagawa ni Romulo pero sariwa pa rin iyon sa isip ni Aliyah.

Ang demonyong iyon ang gumahasa at pumatay sa ina niya  mismo sa kanyang harapan na siyang dahilan din kung bakit kinitil ng kanyang ama ang sariling buhay.

Hanggang ngayon ay binabangungot pa rin siya ng mga pangyayaring iyon.

Naririnig niya pa rin ang nagmamakaawang sigaw ng kanyang ina at ang malademonyong tawa ng lalaking iyon.

Natatandaan niya pa rin ang huling sinabi ng hayop bago ito tuluyang ibinulok sa kulungan.

"Babalikan kita, hintayin mo ako."

Napakuyom ang kamao niya habang bumabalik sa kanya ang mga sinabi nito.

Matagal niyang pinaghandaan ang pagbabalik na ipinangako nito at sisiguruhin niyang sa kamay niya matatapos ang buhay ng hayop na iyon.

Villa MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon