*The Dream*
{TerrencePOV}"Babasahin natin to' after 10 years ah?" sabi ng batang babae, hawak-hawak yung bote na may nakataling pink ribbon sa ibabaw ng takip at may papel na nakarolyo sa loob.
"Bakit 10? ang tagal naman." with matching sad face pa yung batang lalaki which I guess, seemed like a nine-year-old base sa physical features niya.
"Oo, 10 years dapat.. .Okay, sky?" Sky? Pangalan ko yun ah. Pero di lang siya masyadong nagagamit kasi Terrence yung tawag nila saken.
Tas tumango naman yung batang lalake at nagsmile din yung girl.
"Kahit anong mangyari. Maghihintay ako sayo." sabi ni Sky.
Tapos..
"Terrence!! Gising na! May pasok ka pa!" yan ang instant alarm ko everyday-ang sigaw ni mama na mas effective pa kesa sa alarm ng phone ko kahit naka-maximum level pa yung volume. But anyways, I love it though. Isang rason kung bakit ako masayang gumigising every morning
dahil may nag-aalaga saken."Ohhh babangon na po." Whooo sarap ng tulog ko! bakit kasi ang sarap matuloooooog haha! Nagstretching session muna ako bago bumaba.
At Pagkatapos kong kumain, nagpaalam agad ako kay mama.Nung araw na yun, parang may nararamdaman akong kakaiba. As in.
Di ko maexplain parang may mangyayari e. Ewan ko ba. Nadala lang siguro ako sa panaginip ko kanina na di ko maipaliwanag. Strange.
At yun palang panaginip na yun ang
magdadala sakin sa araw na di ko makakalimutan kailanman.Nung makilala kita.
---
"Huuuuuuuy antayin mo ko Terrence!" Nakuu ayan na naman si Pat, di dahil patpatin siya (which is true naman) kundi yung buhok niyang parang sungay ng pating. Pero Patrick talaga pangalan nya. Ang common noh? Mas maganda yung name ko HAHA!
Nga pala, magkapit-bahay kasi kami, in short: NO CHOICE AKO. Always kaming kasama papuntang school at syempre pauwi.
"Alam mo, kung binago mo lang sana hairstyle mo siguro makikisama ako sayo."
"Grabe ka, ang harsh ah! taket pre. sobrang taket tagos sa puso." sabay hawak pa sa dibdib nya. oa talaga neto."Bahala ka nga dyan. Ge una na ko." aalis na sana ako nang biglang nagcuddle sya saken. Lord, please help me with this guy. Araw-araw na e
"Wag mo kong iwan pre. Pleaaaaase." pa-baby yung pagkasabi nya which really makes it more scary.
"Bitiwan mo nga ko! Kadiri ka" tas ayun tinawanan lang ako sabay kamot sa ulo.
First day of senior high, last year ko na to sa high school. Last day na rin para magsama kami ni mokong palagi. Yes! Ay oo nga pala, magkapit-bahay kami. False hope Terrence. False. hope.
"Sige Terrence, see you pagkatapos ng klase. Mwuaaaah!" nakapikit pa mata nya pagkasabi nyang "mwuaaaah" with matching gestures.
"Umalis ka na nga" -_-
Ito lang yung time na magkahiwalay kami kasi nasa ibang section sya. A sign of relief. Anyways, pumasok na ko sa classroom dahil malapit na oras ng klase. As usual, boring na naman kasi first period namin literature. poetry. shakesphear. Pake ko ba dyan e puro mga kabaduyan lang naman nakasulat dyan.
Tapos nakakainis pa yung teacher namin kasi andaming pinapagawang projects. Di pa naman ako mahilig sa art. Haaaay buhay.Pagkatapos ng apat na subjects kaninang umaga, bigla akong nagutom ng SOBRAAAAAA. Isang subject lang yung naenjoy ko e, MATH. Yes, math. Yung math namin kanina, Calculus. Ewan ko parang yun lang ata ang pinakadabest na lecture every morning. Wala ng iba. Hindi naman sa pagmamayabang pero ....
marami akong awards dahil sa kahiligan ko sa subject na yan.
YOU ARE READING
Letters to Sky Perez
RomanceIsa po itong kwento about love. If you want to know the whole story, WAG MONG BASAHIN. HAHAHA! De joke lang, feel free to read. As of this moment, on-going pa lang since first time ko magsulat. Nasa experimenting mode pa ako ngayon. Ganoin! Oh s...